Dos pesos o higit pa ang posibleng rollback sa kada litro ng gasolina at diesel sa susunod na linggo, ayon sa abiso ng mga oil players sa bansa.
Papalo ang bawas-presyo sa gasolina mula P1.90 hanggang P2.30 kada litro, habang P1.80 hanggang P2.20 naman ang tapyas-presyo sa diesel.
Batay sa anunsyo ng mga oil players, epektibo ang rollback sa December 6, araw ng Martes.
May pahabol ding bawas-presyo sa cooking gas o kerosene na posibleng matapyas ng hanggang P1.65 kada litro.
Sa kabila ng serye ng rollback, nakatutok pa rin ang Department of Energy (DOE) sa pagbabantay sa galawan ng oil price sa Pandaigdigang Merkado.
Malaki-laki pa ang gustong habulin ng DOE na rollback sa mga produktong petrolyo na umpisang sumirit ang presyo ngayong taon.
Ayon sa DOE, buhat nang sumipa ang presyo ng langis sa World Market, nasa P33.85 kada litro ang itinaas sa presyo ng diesel; P17.75 per lider sa gasolina; at P27.85 kada litro sa produktong kerosene.
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.