Tulad ng ibang plantito, samu’t-saring mga halaman din ang inaalagaan ng 44-anyos na si Sajid Silvestre ng Project 6, Quezon City.
Subalit ang kanyang mga halaman hindi lang daw palamuti sa kanyang tahanan, kundi pampababa din sa napakataas niyang blood sugar.
Tatlumpung taong gulang daw noon si Sajid nang una niyang malaman na mayroon siyang diabetes.
At kahit alam niyang may lahi sila ng diabetes, hindi parin daw nagpaawat noon si Sajid sa pagkain ng matatamis at pag inom ng softdrinks.
“Noong kabataan ko kasi malakas akong kumain ng rice. Mahilig akong kumain ng mga leche flan, ube, tapos yun nga bawat meal namin tanghali, hapunan, hindi makaano ng walang softdrinks eh so yun yung naging lifestyle ko,” wika ni Sajid.
Kinalaunan, nakaramdam na raw ng iba’t-ibang sintomas ng diabetes si Sajid dahil sa kanyang hindi wastong lifestyle. Ilan sa kanyang mga nararanasang sintomas ay labis na pagkauhaw, panghihina at madalas na pag ihi.
“Type 2 diabetes is the more common type of diabetes. Kadalasan, may factor din ang lifestyle gaya ng katabaan or maling pagkain pero sa pangkalahatan, namamana yan,” ani ng isang endocrinologist, espesyalista sa diabetes.
Ayon kay Sajid, ang pagkakaroon niya ng diabetes ay posibleng namana niya sa kanyang 75-anyos na ama na si Mang Dario –isang stroke survivor.
Dahil dito malaki ang pangamba ni Sajid sapagkat hindi raw malabong mangyari rin sakanya ang sinapit ng kanyang ama.
Kaya naman para makasiguro, tuluyan daw binago ni Sajid ang kanyang lifestyle. Regular na din niyang minomonitor ang kanyang blood sugar level at iniinom sa tamang oras ang kanyang mga maintenance medicine.
Payo ng isang espesyalista sa publiko para maiwasan ang pagkakaroon ng diabetes:
“Kumain ng tama. Ang tama is yung tinuturo sa atin, kadalasan gulay, kadalasan isda. Pangalawa, kailangan mag ehersisyo atleast 30 minutes a day or every other day. Pero ang pinaka importante, kung sobra ka sa timbang, panatilihin mong nasa tamang timbang ang katawan mo.”
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) and San Miguel Corporation (SMC) today broke ground
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today warned the public against letters and text
A former Overseas Filipino Worker (OFW), who has been playing the lotto for 30 years,
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) joined the Service Caravan of the Presidential Commission for
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) continues its commitment to education and community welfare by
Mandaluyong City – In a proactive step toward enhancing responsible gaming practices, the Philippine Charity
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.