Taong 2020, lumapit si Armando Santiago sa BITAG, hiniling niya na matulungan siyang makamit ang hustisya para sa kanyang dose anyos na anak na nagkaroon ng relasyon sa kapitbahay nitong si Jeffrey Digos, 28-anyos.
“Nagsimula sa payapos-yapos at pahalik-halik hanggang sa inaabuso na po pala siya at nangyari na po ang hindi dapat mangyari” kwento ni Armando sa BITAG.
Base sa mga medico legal na ipinakita ni Armando sa BITAG, lumalabas na April 2019 nang unang magalaw ang menor-de-edad.
Gumuho daw ang pangarap ni Armando para sa dalagang anak, lalo na nang malaman niya na may sariling pamilya na si Jeffrey.
Agad kumilos ang BITAG at nagsagawa ng sunod-sunod na imbestigasyon at surveillance upang mapagaralan ang kilos at galaw ng suspek. Sa loob ng 2 buwan ay trinabaho ng BITAG ang suspek na si Jeffrey. Naging matugampay ang BITAG sa paghahanap at pagtiktik sa suspek.
Ngunit ‘hinudas’ ni Armando ang BITAG, tinimbrehan niya ang suspek na tinatrabaho na siya ng BITAG at pumirma pa ng Affidavit of Desistance upang mapawalang bisa ang kasong Acts of Lasciviousness na ikinaso laban sa suspek.
Tumanggap din ang ama ng paunang bayad na P25,000 para sa kabuuang P250,000 na areglo.
Ngunit hindi pa rito nagtapos ang maitim na plano ni Armando, dahil nang kinumpronta siya ng BITAG nagmalaki pa ito na hihingi na lang daw ng tulong sa programang Raffy Tulfo in Action upang makolekta ang P250,000 na areglo.
Upang hindi na magamit ang programang Raffy Tulfo in Action sa kasakiman ng ama, agad itinawag ni Mr. Ben Tulfo ang kasong ito sa kanyang kapatid na si Raffy Tulfo.
Dahil sa pangyayaring ito, nagbigay ng paalala sa publiko si Mr. Ben Tulfo;
“Seryoso ang public service ng BITAG, may mga kasong hindi basta-basta tinatrabaho, may mga kasong kailangan ng masusing imbestigasyon at pagpaplano. Kapag lumapit kayo sa BITAG at gusto niyo ng hustisya, hayaan niyong magtrabaho ang BITAG. Kapag lumapit kayo sa BITAG ipagtatanggol namin kayo, huwag na huwag niyo kaming huhudasin at sa bandang dulo ay ibebenta lamang ang inyong storya kapalit ng maliit na halaga” Balikan ang kabuuan ng imbestigasyon ng BITAG sa sumbong na ito, panoorin:
Recent News
Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman and CEO Alejandro H. Tengco received on Tuesday,
Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman and CEO Alejandro H. Tengco today said the
ORANI, BATAAN – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) inaugurated on Wednesday, March 12,
SILANG, CAVITE -- The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) pledged Php300 million in financial
Following its two successful photo exhibits last year, the Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
MAMBURAO, Occidental Mindoro – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) inaugurated on Friday, February
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.