Tatlo katao ang sugatan matapos gumuho ang isang apat na palapag na bahay sa Malabon City kaninang umaga, Dec. 4, araw ng Linggo.
Sa ulat ng Super Radyo dzBB, nangyari ang pagguho bandang alas-7:00 ng umaga sa Orchid St., Brgy. Longos, Malabon City.
Kinilala ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang tatlong sugatang biktima na sina Rob Tombocon, Francisco Catindoy at Ronalyn Tombocon.
Agad silang nilapatan ng paunang lunas ng emergency rescue team ng Philippine Red Cross (PRC) bago sila dinala sa pinakamalapit na ospital.
Isa sa nakikitang dahilan ng pag-collapse ng bahay ay ang mahinang pundasyon nito.
Iimbestigahan din ng Malabon City Building Office kung may mga insidente ng paghuhukay o construction sa paligid ng residential area na posibleng nag-trigger sa pagguho nito.
Ayon sa ilang residente, may naramdaman silang pagyanig ng lupa bago tuluyang bumigay ang pundasyon ng gusali.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation today said it has ordered one of its licensees
Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman and CEO Alejandro H. Tengco received on Tuesday,
Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman and CEO Alejandro H. Tengco today said the
ORANI, BATAAN – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) inaugurated on Wednesday, March 12,
SILANG, CAVITE -- The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) pledged Php300 million in financial
Following its two successful photo exhibits last year, the Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.