Lima sa pitong pambato ng “Team Lakay” ang bigong masungkit ang panalo sa katatapos na ONE 164 Mixed Martial Arts (MMA) fights noong Sabado sa Mall of Asia sa Pasay City.
Isang masaklap na pagkatalo ang pinatikim sa star slugger ng Philippine team na si Joshua Pacio matapos itong sa style at fighting condition ng American MMA fighter na si Jarred “The Monkey God” Brooks.
Halos kontrolado ng American fighter ang limang rounds ng laban.
Tatapusin na sana ni Brooks ang laban sa ika-apat na round matapos makorner si Pacio sa isang possible submission via naked choke, pero ‘saved by the bell’ ang Pinoy fighter.
Pagpasok ng fifth and final round, hindi na nakaporma si Pacio dahil sa laki ng lamang ni Brooks sa unang apat na round.
Panalo si Brooks via unanimous decision at obligadong binitawan ni Pacio ang hawak niyang ONE Straw Weight championship belt at naiuwi ito ng American fighter.
Bukod kay Joshua Pacio, bigo rin sa kanya-kanyang kampanya ang mga Filipino MMA fighters na sina Eduard Folayang, Geje Eustaquio, Jenelyn Olsim, at Adonis Sevillano.
Tanging sina Jeremy Pacatiw at Jhanlo Sangiao ang nakakuha ng panalo mula sa “Team Lakay” sa ONE 164 MMA events.
Recent News
A senior citizen from Bicol, accompanied by her daughter, claimed her share of the ₱25,351,115
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.