Patay ang dalawang tropa ng Mabalacat Police Station matapos tambangan ng limang armadong kalalakihan sa Brgy. Dau, Mabalacat City, Pampanga noong Sabado, Dec. 3.
Ayon kay Police Regional Office 3 (PRO3) Director PBGEN Cesar Pasiwen, kagagaling lamang ng dalawang pulis sa isang buy-bust operation nang matiyempohan sila ng limang suspek sa South Daang Bakal Road sa Dau.
Kinilala ni Pasiwen ang dalawang nasawing pulis na sina Police Staff Sergeant Dominador Gacusan, Jr. at Police Master Senior Sergeant Sofronio Capitle, Jr.
Ilang saksi ang nakakita sa pananambang kung saan limang lalaki umano na armado at nakasuot ng bonnet ang nagpaulan ng bala sa dalawang pulis.
Sa isinagawang manhunt operation ng Mabalacat Police Station, nahuli ang tatlo sa limang salarin na kinilalang sina Jun-Jun Espiritu Baluyut, 44; Aries Espiritu Bagsic, 40; at Leslie Placiente, 30, lahat presidente ng Mabalacat, Pampanga.
Narekober sa mga suspek ang isang kulay orange na Honda Click motorcycle na nakitaan ng bakas ng dugo at hinihinalang ginamit sa pananambang sa dalawang pulis.
Patay naman sa follow up operation ang isa sa suspek na nakilalang si Kiel Patrick Chua, habang pinaghahanap pa ang dalawa pang salarin na kinilala sa pangalang Kenneth Flores, at isang alyas “Pusa.”
Recent News
Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman and CEO Alejandro H. Tengco received on Tuesday,
Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman and CEO Alejandro H. Tengco today said the
ORANI, BATAAN – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) inaugurated on Wednesday, March 12,
SILANG, CAVITE -- The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) pledged Php300 million in financial
Following its two successful photo exhibits last year, the Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
MAMBURAO, Occidental Mindoro – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) inaugurated on Friday, February
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.