Sa paglapit ng dalawang army reservist sa BITAG, nailantad ang pananamantalang kanilang sinapit matapos magduty bilang VIP security escort ng isang Chinese national.
Ang nasabing Chinese national ay hinihinalang operator ng POGO sa Clark, Pampanga.
Isang Heneral umano ng Army Reserve Command ang nagtalaga sa kanila na mag-duty sa dayuhang may-ari umano ng Xinlong International Corporation .
Diretsahang inireklamo ng dalawang sundalo ang kanilang Commander na si BGen Carlos Buendia, 2nd TAS Commander, AFP.
Ayon kina Alyas Diego at Alyas Alvin, sa loob ng 4-buwan na pagbabantay sa Chinese national, isang beses lang daw silang nakatikim ng sahod.
Sinubukan raw nilang dumulog kay Gen. Buendia. Subalit imbes na tulungan, ay sinumbatan raw sila ng heneral.
Matapos maipalabas ng #ipaBITAGmo ang kaso ng dalawang Army reservist, lumutang pa ang ilang empleyado ng Chinese national.
Reklamo ng mga TEA Girls na sina Andrea at Sophia – hindi nila tunay na pangalan, hindi rin daw sila pinasuweldo ng amo. Taga-timpla ng tsaa ang kanilang trabaho sa kumpanya at isa sa kanilang mga napagsilbihan ay ang inirereklamong heneral.
Kinumpirma rin nina Andrea at Sophia na kilala nila sina Diego at Alvin na kabilang sa mga security details ng Chinese national.
Dagdag ni Andrea at Sophia, ilang kilalang personalidad pa na matataas na opisyal ng gobyerno ang bumisita sa kanilang among Chinese, kabilang na umano ang isang mataas na opisyal ng PNP at napagsilbihan nila ng tsaa.
Ang buong imbestigasyon ng BITAG at mga rebelasyon ng mga empleyado sa sumbong na ito, panoorin:
Recent News
Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman and CEO Alejandro H. Tengco received on Tuesday,
Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman and CEO Alejandro H. Tengco today said the
ORANI, BATAAN – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) inaugurated on Wednesday, March 12,
SILANG, CAVITE -- The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) pledged Php300 million in financial
Following its two successful photo exhibits last year, the Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
MAMBURAO, Occidental Mindoro – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) inaugurated on Friday, February
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.