Maagang magpapatupad ng full heightened alert ang Philippine Coast Guard (PCG) upang bantayan ang mga pier, seaports, pantalan at mga lugar na dadagsain ng mga biyaherong magbabakasyon ngayong Kapaskuhan.
Ayon kay PCG Commandant, Admiral Artemio Abu, nasa 25,000 coast guard personnel ang naatasang magbantay sa mga Pier.
Layon aniya nito na siguruhing magiging maayos at ligtas ang biyahe ng mga tripulante na magsisi-uwian sa mga probinsya.
Sa pagtaya ng PCG, posibleng mag-umpisa ang dagsa ng mga tripulante sa susunod na linggo, pero inaasahang mas siksikan sa mga pier pagsapit ng December 15 hanggang December 23 dahil sa mga uuwi ng Pasko.
Babalik ulit ang dagsa ng mga biyahero pagsapit naman ng Dec. 28 hanggang Dec. 30 para sa mga maghahabol naman ng Bagong Taon.
Kadalasan din umanong siksikan ang mga pantalan pagsapit ng January 2 hanggang 5 para naman sa mga manggagawang magbabalik-trabaho pagkatapos ng mahabang holiday break.
“Ngayong magpapasko, very busy ang mga kababayan natin traveling using sea transportation system. Nandiyan ang Coast Guard. We’ll put our Coast Guard personnel in heightened alert status,” wika ni Abu.
Samantala, pinaalalahanan ni Abu ang mga shipowners na tiyaking maayos at ligtas ang kanilang mga barko upang maiwasan ang aberya sa paglalayag.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) and San Miguel Corporation (SMC) today broke ground
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today warned the public against letters and text
A former Overseas Filipino Worker (OFW), who has been playing the lotto for 30 years,
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) joined the Service Caravan of the Presidential Commission for
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) continues its commitment to education and community welfare by
Mandaluyong City – In a proactive step toward enhancing responsible gaming practices, the Philippine Charity
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.