HINDI nanindigan ang mga kawani ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa pagbabawal sa mga wet market ng isdang pompano at pink salmon.
Bakit? Isinangkalan ang mga mahihirap. Ginamit ang kanilang karapatan at kapakanan “daw.”
Nabahag nga ba ang buntot nila o natapalan na ang mga mata ng pilak ni hudas?
Kaya ang siste, ipagpapaliban muna nila ngayong pasko ang pagbebenta ng mga imported na pampano at pink salmon sa mga wet market.
Take note, ang pompano at pink salmon ay may specialized importation permit. Ibig sabihin may importer na kumukuha ng permit sa Department of Agriculture – BFAR.
Sa permit, ibinibenta lamang ito sa mga membership supermarket, ordinaryong supermarket, sini-serve at niluluto sa mga restaurant ng mga 5-star hotel o specialized restaurant.
Sa madaling salita, para sa mga may kaya. Kung ganoon, paanong nakaabot ang mga imported pompano at pink salmon sa mga wet market?
Tandaan, ang mga isdang ito ay wala sa karagatan ng Pinas. Hindi ito kayang hulihin ng ating mga lokal na mangingisda dahil wala ito sa karagatan ng pilipinas.
Kung susuriing mabuti, hindi anti-poor ang isyu rito. Ang totoong isyu ay ang mga putok sa buhong mga importer na maituturing smuggler na rin.
Sila ang maaaring nasa likod ng “diversion” ng mga isdang pompano at pink salmon.
Kung ang nasasaad sa permit ay dapat binibenta lamang sa mga kilala at malalaking membership supermarket, mga restaurant ng mga 5-star hotel at mga flashy at classy na mga restaurant na pang may-kaya – bakit napupunta sa wet market?
Ang bukambibig natin ngayon, “anti-poor,” labag sa kanilang karapatan at kapakanan. Isinangkalan ang mga mahihirap na parang sila ang ating ipinaglaban.
Subalit ang katotohan na hindi nakikita ng karamihan, yumayaman si smuggler, importer at diversionist. Sa katagalan, kawawa ang mga maliliit na mangingisda.
Salamat sa utak ng mga lobbyist at mga PR ng mga smuggler at importer. Dahil sa smuggler, naloloko ang ating gobyerno, nananakawan dahil sa hindi pagbabayad ng tamang buwis.
Hindi nakuntento sa tone-toneladang import permit kaya ikinakalat pa sa mga wet market ngayong kapaskuhan.
Kaya sino bang pinagloloko niloloko niyo? Huwag na tayong magplastikan pa! Hindi si Juan dela Cruz ang target market ng mga isdang ito.
Oo, karapatan din ng mga pobre nating kababayan na makakain nito, subalit may presyo. Hindi ito pang-poor kundi pang-institusyon.
Hindi sa dinedepensahan ko ‘yung mga aanga-anga’t hindi kayang manindigan na kinauukulan. Subalit, tuwing isusubo natin ang masarap at malinamnam na pompano at pink salmon na nabili mula sa wet market – isipin na sinasang-ayunan din natin ang gawain ng mga smuggler.
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.