Sumipot na sa pagdinig ng Department of Justice (DOJ) ngayong araw, Dec. 5, ang suspendidong hepe ng Bureau of Corrections (BuCor) kaugnay sa imbestigasyon sa pagpatay sa radio broadcaster/blogger na si “Percy Lapid”.
Ikinasa ng DOJ ang imbestigasyon upang tukuyin kung mayroong sapat na ebidensya para idiin sa kaso si BuCor chief Gerald Bantag.
Si Bantag at ang kanyang deputy security officer na si Ricardo Zulueta ang itinuturong salarin sa Percy Lapid killing at may kagagawan umano sa misteryosong pagpatay sa loob ng piitan sa middleman na si Jun Villamor.
Samantala, sinabi ni Bantag na nag-sumite na siya ng counter-affidavit sa Baguio City Prosecutor’s Office, pero sumipot pa rin nito sa DOJ proceedings para maghain ng karagdagang affidavit.
Sa kanyang pagharap sa media, iginiit ni Bantag na hindi siya nagtatago at lalong hindi niya iniiwasan ang pagdinig ng DOJ.
Depensa ni Bantag, hindi siya sumipot sa unang pagdinig ng DOJ noong November 23 dahil may mali sa detalye ng kanyang middle name na nakasulat sa subpoena.
Wala pang anunsyo si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla kung kelan maglalabas ng resolution sa kaso ni Bantag.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) began another massive relief drive in Northern Luzon
Pag-IBIG Fund officially launched the Pag-IBIG Acquired Assets Online Public Auction (OPA) on Friday (November
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today announced that the local gaming industry’s Gross
Pag-IBIG Fund, in coordination with the Presidential Communications Office (PCO), participated in the Philippine Information
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.