Halos umusok ang ilong sa galit ang dismayadong customer mula sa Puerto Princesa, Palawan dahil sa buwisit. Ang inorder raw na pantalon ng customer sa isang online shopping platform, shorts daw ang dumating!
Nai-tag ang Facebook page ng programang BITAG Live sa nag-viral na video ng nagtatalong customer at ng J&T delivery rider dahil sa sablay na delivery.
Personal na napanood ng Chief Executive Officer ng BITAG Multimedia Network na si Ben Tulfo ang mainit na sagutan ng delivery rider na si Henry Macajilos at ang galit na galit na customer na si Rogelio Graspela.
Sa sumbong ni Henry sa programang Pambansang Sumbungan: #ipaBITAGmo, uminit daw ang ulo ng customer nang malaman na mali ang natanggap nitong item.
Pinagbintangan daw siyang “scammer” ng customer dahil imbes na pantalon, shorts daw ang laman ng parcel. Dagdag ni Henry, ipinagpipilitan ng customer na kasapakat siya sa pangi-scam dahil siya ang nagdeliver ng maling item.
Kaya’t kahit na anong paliwanag ng rider, pinagdidiinan pa rin ng customer na kasabwat siya sa panloloko. Dahilan para hindi bayaran ni Graspela ang dinidiliver na parcel na siyang inabonohan ng pobreng rider.
Ayon kay Henry, ibinidyo niya ang buong pangyayari upang patunayang wala siyang kasalanan at taga-deliver lamang siya.
Maayos namang nagpaliwanag sa #ipaBITAGmo ang customer na si Graspela. Paliwanag ng customer, wrong timing daw nang dumating ang delivery rider dahil naalimpungatan siya sa bigla nitong pagdating.
Eksaktong natutulog daw siya nang kumatok ang rider, kaya napabalikwas ito sa pagkakahiga at tila nabulyawan ang rider.
Ang hambalos at pag-aksyon ni El Tigre, Mr. Ben Tulfo sa sumbong na ito, panoorin:
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.