Walo ang kumpirmadong patay at 14 ang malubhang nasugatan sa banggaan ng dalawang truck sa CM Recto Highway sa Cagayan de Oro City kahapon ng madaling araw.
Sa isang press release, sinabi ni Col. Aaron Mandia, City Director ng Cagayan de Oro City Police Office na galing sa pakikipag-libing ang 20 magkakamag-anak na sakay ng Kia Bongo truck nang salpukin umano ang mga ito ng isang Fuso Tabular cargo truck na may dalang mga buhay na manok.
Nasa kustodiya na ng CDO Police Station ang driver ng Fuso truck na si Julito Telen, 43, residente ng Baloy Tablon, Cagayan de Oro City.
Sa inisyal na imbestigasyon, hindi umano kumagat ang preno ng sumalpok na truck hanggang sa inararo nito ang kasalubong na truck lulan ang mga biktima.
Dead-on-the-spot ang driver at apat na pasahero ng maliit na truck, habang ang tatlo ay binawian ng buhay sa ospital.
Sasampahan ang inarestong truck driver ng patong-patong na kaso.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) announced today that its revenues for the first
PAGCOR LAUNCHES NEW FLAGSHIP PROJECTS WITH DEPED, DPWH The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR’s) massive relief drive for areas affected by Tropical
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.