Tinutugis na ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang security guard na suspek sa panghoholdap sa mismong binabantayan nitong drugstore sa Banawe, Quezon City, Martes ng umaga, Dec. 6.
Sa ulat ng Dobol B TV, kinilala ang suspek na si Eric Mercado.
Ayon kay QCPD Director Police Brigadier General Nicolas Torre III, night duty guard ang suspek sa binabantayan nitong Mercury Drugstore na nasa kanto ng Banawe St. at E. Rodriguez Sr. Avenue sa Quezon City.
Sa panayam ng Dobol B, sinabi ni Torre na alas-7:00 ng umaga nila natanggap ang tawag hinggil sa panghoholdap ng suspek.
“Mga 7 o’clock kaninang umaga naka-receive tayo ng report na nilooban itong [botika] at ang holdaper supposedly ay ikinulong ang dalawang empleyado na magbubukas ng branch na ito,” ani Torres.
Pinutol daw ng security guard ang linya ng kuryente ng botika at inabangan ang pagdating ng dalawang empleyado.
Ikinulong daw ng suspek ang dalawang empleyado sa loob ng drugstore bago ito tumakas tangay-tangay ang hindi na nabatid na halaga.
Samantala, ayo sa QCPD isang buwan pa lamang namamasukan sa Mercury drugs ang suspek.
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.