Nagpasaklolo sa investigative public service program ng BITAG Multimedia Network (BMN) ang isang kilalang modelo matapos makaranas ng pambabastos, panlalait at pamamahiya mula sa isang branch manager ng Banco de Oro (BDO).
Dahil humiling ng anonymity ang modelo, itinago ng Pambansang Sumbungan; #ipaBITAGmo ang pangalan ng modelo sa alyas na “Nica”.
Ayon kay Nica, hindi na niya mabilang kung ilang beses siyang binastos at pinahiya ng bank manager sa loob mismo ng bangko, sa harap ng mga empleyado’t kostumer.
Kasama ni Nica ang kanyang ina na dati ring sikat na artista, personal silang hinarap ng program host at chief operating officer (CEO) ng BITAG Multimedia Network na si Mr. Ben Tulfo.
Sumbong ni alyas “Nica”, mula personal hanggang seksuwal na panlalait, pambabastos at pamamahiya ang ginawa sa kanya ng bank manager.
Isang halimbawa ay ang panlalait sa kanyang katawan, sinabihan siyang maliit ang dibdib at tinawag pa siyang boldstar. Walang pakundangan din daw ang manager na ipakilala siyang girlfriend sa mga empleyado’t depositors na nasa loob ng bangko.
“Nag-umpisa sa body shaming, mahilig siyang magbigay ng komento sa maseselang bahagi ng katawan ko, Nagkwento siya ng mga kabastusan, pinapanood niyang mga bold, marami daw siyang babaeng binabayaran,” salaysay ng modelo.
Taong 2011 pa raw depositor ng sang BDO branch sa San Juan si Nica at hindi na niya mabilang kung ilang beses siyang binastos ng bank manager.
Iniiwasan daw nito ang manager sa tuwing pupunta sa bangko, pero gumagawa raw ng paraan ang bank executive para malapitan ito.
“Sa babaeng teller ako lumalapit pero ang ginagawa niya kinukuha niya yung transaction ko para siya ho yung mag-process, binabagalan niya para wala akong choice kundi maghintay sa harap niya,” dagdag ni Nica.
Sinubukang tawagan ng #ipaBITAGmo ang BDO branch sa San Juan para makausap ang inirereklamong bank manager, subalit naka-leave na raw ito sa trabaho.
Ang sumunod na tagpo at hambalos ni El Tigre Ben Tulfo sa nirereklamong bank manager, panoorin:
Recent News
Pag-IBIG Fund, in coordination with the Presidential Communications Office (PCO), participated in the Philippine Information
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) announced today that its revenues for the first
PAGCOR LAUNCHES NEW FLAGSHIP PROJECTS WITH DEPED, DPWH The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.