Pirmado na ng mga lead implementing agencies ang implementing rules and regulations (IRR) ng Republic Act 11596 o ang batas na nagbabawal sa “child marriage” o pagpapakasal sa mga menor-de-edad na babae.
Ayon sa ulat ng CNN Philippines, ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang nanguna sa pagbalangkas ng IRR katuwang ang ibang ahensya at advocacy group sa pangunguna ng Commission on Human Rights (CHR), Department of Justice (DOJ), United Nations Population Fund, at Oxfam Philippines.
Ang RA 11596 o “An Act Prohibiting the Practice of Child Marriage and Imposing Penalties for Violations Thereof” ay nilagdaan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte noong December 2021.
Layon ng naturang batas na protektahan ang mga batang Filipino laban sa abusive practices ng ‘unwanted’ marriage lalo na sa mga paslit na babae na kadalasang makikita sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Naniniwala ang co-author ng RA 11596 na si Bagong Henerasyon Rep. Bernadette Herrera-Dy na hindi pwedeng ikatwiran na nakadikit na sa kultura ng Pinoy ang “child marriage”.
“Sabi nga natin hindi porke’t tradition or part of culture ay tama. Hindi porke’t kinagisnan ay pwedeng magtuloy-tuloy,” ani Herrera-Dy.
Sa ilalim ng bagong batas, maliban sa multang P40,000, maaari ding makulong ng hanggang sampung taon ang mapapatunayang magpapakasal sa batang bride.
Mas mabigat ang parusa sa mga magulang o guardian na nag-arrange ng adolescent wedding kung saan papalo ito sa 12 taong pagkakabilanggo at multang P50,000.
Katumbas na parusa rin ang maaaring kaharapin ng sinumang pastor o indibidwal na magsasagawa ng child wedding.
Ayon sa datos ng UNICEF noong 202, aabot sa 12 million adolescent girls ang napilitang pumasok sa child marriage kada taon.
Recent News
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
A bettor from Balagas, Batangas City won ₱46,546,547.80 in the Lotto 6/42 drawn last October
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.