Naaresto na ng Palawan Police noong Martes ng gabi, Dec. 6, ang babaeng tatlong taong nang wanted sa patong-patong na kaso ng kidnap for ransom, carnapping, child abuse at iba pang krimen sa Puerto Princesa City.
Kinilala ni MIMAROPA Police Regional Office Dir. PBGen. Sidney Sultan Hernia ang natimbog na suspek na si Jai Sunshine Santos Chua, 37, residente ng Brgy. Bancao-Bancao.
Ang suspek ay may tatlong warrant of arrest sa kasong Kidnapping for Ransom na inilabas ng National Capital Judicial Region, Branch 69 at 70 sa Taguig City noong Enero 31, Abril 19, at Abril 29, 2019.
Ayon kay Hernia, pare-parehong unbailable ang tatlong kaso ng suspek.
Bukod sa tatlong warrant, may nakabinbin ding arrest warrant si Chua para sa two counts ng paglabag sa R.A. 7610 (Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act).
Lumitaw sa inisyal na imbestigasyon ng PNP Palawan na kasama rin ang suspek sa grupo ng kriminal na nagpapanggap na ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na nangingikil sa mga drug personalities sa National Capital Region (NCR) at CALABARZON.
Recent News
With the onset of summer and DOH/PAGASA warnings of dangerous heat indices, PhilHealth reminds the
Muling ipinapaalala na ang lahat ng mga miyembro ng PhilHealth ay maaaring maka-avail ng Outpatient
The Department of Health announced that for the year 2024, all 426 recorded rabies cases
PhilHealth is committed to holistically addressing the healthcare needs of every Filipino. “Nais naming ipaabot
LUISIANA, Laguna – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally inaugurated on Friday, March
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) turned over a Patient Transport Vehicle (PTV) to
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.