Kapag nagkataon, kamot-ulo ang salubong sa Bagong Taon ng mga consumer ng Manila Electric Company (Meralco) kung matutuloy ang pangamba ng mga business analyst na iha-hataw sa Enero 2023 ang panibagong taas singil sa kuryente.
Ito ang nakikitang collateral damage ng mga analyst dahil sa naudlot na power supply agreement ng Meralco at ng South Premiere Power Corp. (SPPC) ng San Miguel Corporation.
Simula kahapon, Dec. 7, kanselado ang kasunduan ng SMC Global Power at Meralco para sa 670 megawatts na supply ng kuryente sa mga consumer ng Meralco.
Ibinasura kasi ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang petisyon ng dalawang korporasyon na baguhin ang napagkasunduan nilang presyo noong Setyembre.
Paliwanag ng ERC, ito ay isang “fixed contract” kaya hindi pwedeng baguhin habang umiiral ang kontrata.
Sa ngayon, nakikipag-usap ang Meralco sa mga power generation company para makakuha ng 670 megawatts na isu-supply sa mga consumers.
Pero sa kabila ng pag-atras ng SMC na suplayan ng kuryente ang Meralco, hindi umano ito magreresulta ng power shortage partikular sa Metro Manila at mga karatig na bayan.
Sa pangamba naman na magkakaroon ng price adjustment sa singil sa kuryente, wala pang malinaw na abiso rito ang Meralco.
Tiniyak din ng ERC na hindi papayagan ang hirit na taas-singil sa kuryente kung wala itong sapat na basehan.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) and San Miguel Corporation (SMC) today broke ground
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today warned the public against letters and text
A former Overseas Filipino Worker (OFW), who has been playing the lotto for 30 years,
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) joined the Service Caravan of the Presidential Commission for
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) continues its commitment to education and community welfare by
Mandaluyong City – In a proactive step toward enhancing responsible gaming practices, the Philippine Charity
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.