Humakot ng tatlong medalyang ginto ang Filipina weightlifter na si Hidilyn Diaz sa katatapos na 2022 IWF World Championships sa Bogota, Colombia ngayong Huwebes, Dec. 8.
Nakuha lahat ni Diaz ang tatlong gintong medalya sa women’s 55kg. category.
Impresibo ang ipinakitang lifting ability ng reigning Pinay Olympic champion kung saan klarong nabuhat ang 93kg. sa snatch round at 114 kg. sa clean and jerk para sa kabuuang 207 kg. lift.
Maagang naungusan ni Diaz ang pambato ng Colombia na si Rosalba Morales na umiskor lamang ng total lift na 199 kg. at sinundan ng atleta ng Mexico na si Ana Gabriela Lopez na bumuhat ng total score na 198 kg.
Si Diaz ang itinuturing na phenomenal ngayon sa women’s weightlifting matapos masungkit ang ginto sa Olympics, Asian Games, at Southeast Asian Games.
Ayon sa coaching staff ni Diaz, malaking morale boosting ang nasungkit na ginto ng Pinay weightlifter para sa paghandaan ang qualifying round ng 2024 Olympics kung saan didipensahan nito ang kanyang titulo para sa Summer Olympics na gaganapin sa Paris.
Recent News
Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman and CEO Alejandro H. Tengco received on Tuesday,
Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman and CEO Alejandro H. Tengco today said the
ORANI, BATAAN – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) inaugurated on Wednesday, March 12,
SILANG, CAVITE -- The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) pledged Php300 million in financial
Following its two successful photo exhibits last year, the Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
MAMBURAO, Occidental Mindoro – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) inaugurated on Friday, February
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.