MABILIS ang takbo ng teknolohiya. Anumang transaksiyon, magagawa na ng “online.”
Babala, mas mabilis ang galaw ng mga sindikato at dorobo. Mainit na target ngayong panahon na ito ang online banking.
Nitong nakaraang linggo, lumapit sa BITAG ang ilang depositors ng Union Bank. Biktima sila ng biglaang pagkawala ng kanilang mga pera sa bangko.
Habang isinusulat ang kolum na ito, halos tatlong dosena na ang nagrereklamong nakikipag-ugnayan sa aking tanggapan.
Ang tagapag-salita ng grupo na si Maica ang siyang nainterview ko sa aking programang Pambansang Sumbungan #ipaBITAGmo.
Ayon kay Maica, nagkaroon umano ng unauthorized transaction sa kaniyang Union Bank online account disoras ng gabi. Nabasa niya ang notification ng transaction kinaumagahan pagkagising.
Limas ang mahigit dalawampung libong pisong sahod na nasa kaniyang bank account. Ipinagtataka ni Maica, hindi raw siya nakatanggap ng one-time-password o OTP para sa nasabing transaksiyon.
Paglilinaw ni Maica, aral siya sa mga naglipanang uri ng pangi-scam online gaya ng phishing at quishing.
Kaya naman, doble-doble ang kaniyang ikinasang security feature sa kaniyang online bank account. Paanong siya ay nabiktima pa?
Agaran daw siyang pumunta sa Union Bank Imus, Cavite Branch upang personal na ireport ang pangyayari.
Laking dismaya daw niya ng sagutin siya ng staff ng bangko na wala silang magagawa dahil wala silang access.
Say what Union Bank?
Isa sa mga kasamang nagrereklamo ni Maica, higit kalahating milyong piso ang nawala sa kaniyang bangko.
Ang kawalan ng aksiyon at pambabalewala umano ng Union Bank sa mga biktima at kanilang mga reklamo ang nagtulak sa kanilang magpa-BITAG na.
Ako’y naniniwala na maaaring biktima rin ang bangko rito. Subalit ang tanong, anong meron sa Union Bank na wala ang ibang bangko at sila ang paboritong puntiryahin ng mga dorobo?
Sa ngalan ng patas na pamamahayag, kinontak ng BITAG ang Union Bank. Ano ang kanilang reaksiyon sa mga sumbong?
Narito ang official statement na ipinadala nila sa BITAG sa pamamagitan ng email:
[verbatim]
“We are currently verifying the complaints mentioned on BITAG public service program.
We assure everyone that UnionBank takes cybersecurity concerns seriously and continuously monitors its systems for possible cyber attacks.
We would also like to remind our customers to be extra vigilant against the various modes of cyber crimes and fraudulent activities, especially during this holiday season.”
All the best,
Mariel De los Santos
Media Relations Officer, Grupo Agatep Inc.
Nakapagsampa na raw ng reklamo ang ilang biktima sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at National Bureau of Investigation (NBI).
Ani ni Maica, aminado raw ang NBI na marami nang mga biktimang tulad niya ang nagrereklamo laban sa nasabing bangko. Tali daw ang kamay ng NBI kung walang intervention o pakikipag-ugnayan ang BSP.
Kaya’t iniakyat ng BITAG ang mga kasong ito sa tanggapan ni 5th District Manila Representative Irwin Tieng. Si Cong. Tieng din ang Committee Chairman on Banks and Financial Intermediaries.
Ipapatawag umano ni Cong. Tieng ang BSP maging ang Union Bank hinggil sa kasong ito.
Para sa Union Bank, eto ang aking iiwanang katanungan:
Bakit tila naging paboritong playground o palaruan kayo ng mga dorobo? Bakit madaling malusutan ang inyong mga security features – kung meron man?
Bukas ang aking tanggapan para sa kasagutan ng Union Bank.
Recent News
A senior citizen from Bicol, accompanied by her daughter, claimed her share of the ₱25,351,115
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.