Hindi na napigilan ni Eliza Fernandez na maging emosyonal nang makausap niya sa programang Pambansang Sumbungan #ipaBitagmo ang host na si Mr. Ben Tulfo.
Si Eliza ay nakatira Brgy. Sabang, Puerto Galera sa Mindoro kasama ang isang anak at isang apo.
Higit dalawang dekada nang kasama ni Eliza si Manfred Keller sa Mindoro at kahit hindi kasal ay tinanggap daw ni Keller ang mga anak niya pagkadalaga.
Sa Pilipinas na nanirahan si Keller kasama si Eliza, dahil wala na raw itong balak bumalik ng Germany, binayaran na raw ni Keller ang renta sa apartment hanggang May 2024.
Nakaraang September 2021, dahil sa sakit sa puso hindi raw inaasahan ni Eliza ang pagpanaw ng kanyang longtime partner na si Manfred Keller.
Sa pagkamatay ng kanyang partner, napansin daw ni Eliza na madalas na siyang sitahin ng kanyang landlord na si Baltazar Lopez.
Si Baltazar Lopez ang may-ari ng ng apartment na nirerentahan ni Eliza at ni Keller noon ito’y nabubuhay pa.
Sa salaysay ni Eliza sa BITAG, sapilitan daw siyang pinapa-layas daw ng kanyang landlord dahil yumao na raw ang German national na kanyang kinakasama.
“Sabi po kasi ng landlord, sa ayaw at sa gusto ko, ilabas na daw lahat ng gamit sa apartment. Ang palagi niyang sinasabi, ‘hindi raw po kami kasal’” paliwanag ni Eliza.
Para sa patas na pamamahayag, tinawagan din ng BITAG nag inirereklamong landlord na si Baltazar Lopez.
Paliwanag ni Baltazar, hindi niya pinalayas si Eliza dahil kusa raw itong lumayas sa nirerentahang apartment, dagdag pa ng landlord, inabandona daw ni Eliza ang apartment!
Sino ang nagsasabi ng totoo? Alamin kung sino sa dalawa ang natuklasan ng BITAG na nagsisinungaling. Ang kabuuan ng imbestigasyon ng BITAG sa sumbong na ito, Abangan!
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.