“Malakas at matikas” ganito inilarawan ng 55-anyos at dating Philippine Army Reservist na si Sergeant Ramino Perez Jr. ang kanyang sarili noon.
Aniya, kahit isang reservist lamang daw siya, handa raw niyang ialay ang kanyang buhay mapaglingkuran lang ang ating bayan.
Subalit ang panatang ito ni Ramino, agad din natuldukan nang apat na beses siyang gupuin ng stroke sa magkakaibang taon.
Taong 2011 nang unang beses daw na ma-stroke si Ramino. Makalipas lamang ang isang taon, muli nanaman siyang nalagay sa peligro.
Ang tila kamalasang ito, muling nasundan noong taong 2017 at ang pinakahuli, nito lamang 2019.
Ayon kay Ramino, aminado siya na hindi wasto ang kanyang naging lifestyle noon. Aniya, ito raw ang maaaring naging sanhi ng kanyang stroke.
Sa kabila kasi ng kanyang pagiging aktibo, malakas naman daw siyang uminom ng alak ganundin ang kumain ng matataba at maaalat na pagkain.
“Malakas talaga akong uminom noong kabataan ko. Kahit beer or hard malakas akong uminom halos apat na beses sa isang linggo,” wika ni Ramino.
“Labis ang pagsisisi ko kaya ayoko na, bagong buhay na talaga,” pagsisisi ni Ramino.
Sa dami raw ng pagsubok na nalamampasan ni Ramino, natuto na raw itong baguhin ang kanyang sarili. At upang hindi na muling malagay sa alanganin, kumakain na raw siya ng wasto at regular naring nag eehersisyo.
Samantala, payo naman ng isang espesyalista sa publiko upang makaiwas sa stroke:
“Ugaliin po nating i-check palagi ang blood pressure, kinakailangan kontrolado ito. Inumin din ang inyong mga maintenance pero pinaka importante sa lahat ay yung lifestyle change, kumain ng tama at panatilihing nasa tamang timbang ang katawan.”
Recent News
A senior citizen from Bicol, accompanied by her daughter, claimed her share of the ₱25,351,115
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.