Nauwi sa krimen ang inuman ng dalawang lalaki sa Barangay Agusan Cagayan de Oro City kahapon, December 8.
Patay sa tama ng bala sa dibdib ang biktimang si Drixel Tumbaga, residente ng Barangay Agusan Cagayan de Oro City.
Naisugod pa sa Puerto Community Hospital ang biktima ngunit binawian din ito ng buhay.
Arestado naman ang pulis na si PSSg. Junlit Lubino, na nakatalaga sa Jasaan Municipal Police Station, Misamis Oriental.
Ayon sa ulat na nakarating kay PMaj. Peter Tajor, Station Commander ng Police Station 6, nagkaroon ng pagtatalo habang nag-iinuman sina Lubino at Tumbaga ayon sa saksi na si Norbeto Sabonot.
Nang magkapikunan, bumunot umano ng baril ni Lubino at binaril sa dibdib ang biktima.
Naaresto si Lubina ng mga rumespondeng pulis at narekober ang kanyang service firearm na 9mm caliber Glock 17 na ginamit sa pamamaril.
Kasalukuyang nakakulong sa custodial facility ng Puerto Police Station 6 si Lubina habang hinihintay ang pagsasampa ng kaukulang kaso.
Recent News
With the onset of summer and DOH/PAGASA warnings of dangerous heat indices, PhilHealth reminds the
Muling ipinapaalala na ang lahat ng mga miyembro ng PhilHealth ay maaaring maka-avail ng Outpatient
The Department of Health announced that for the year 2024, all 426 recorded rabies cases
PhilHealth is committed to holistically addressing the healthcare needs of every Filipino. “Nais naming ipaabot
LUISIANA, Laguna – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally inaugurated on Friday, March
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) turned over a Patient Transport Vehicle (PTV) to
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.