Ikinandado na ng Lokal na Pamahalaan ng Taguig City ang opisina ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Southern District Office kasunod ng pagkakasangkot ng mga opisyal at ahente nito sa bentahan ng droga.
Ayon sa anunsyo ng Taguig City government, binawi na nila ang gusaling pinahiram nila sa PDEA na ginawang Southern District Office ng ahensya.
Mariing kinondena ng Taguig City government ang pagkakasangkot ng mga opisyal at tauhan ng PDEA sa pagkalat ng ilegal na droga sa bansa.
Matatandaang natimbog ang opisyal ng PDEA, dalawang tauhan nito at isang sibilyan sa isinagawang buy-bust operation ng National Capital Region Police Office (NCRPO) noong Martes, Dec. 6, sa mismong opisina ng PDEA Southern District Office sa Taguig City.
Humigit-kumulang P9 milyon ang halaga ng shabu na nakumpiska sa opisina ni Enrique Lucero ang hepe ng PDEA Southern District Office, kasama ang dalawang PDEA agents na sina Anthony Vic Alabastro at Jaireh Llaguno, at driver nilang si Mark Warren Mallo.
Alinsunod sa abiso ng Taguig City government, walang pwedeng pumasok sa gusaling pinahiram nila sa PDEA at pinalitan na rin ang mga guwardiya na nakabantay doon.
Recent News
With the onset of summer and DOH/PAGASA warnings of dangerous heat indices, PhilHealth reminds the
Muling ipinapaalala na ang lahat ng mga miyembro ng PhilHealth ay maaaring maka-avail ng Outpatient
The Department of Health announced that for the year 2024, all 426 recorded rabies cases
PhilHealth is committed to holistically addressing the healthcare needs of every Filipino. “Nais naming ipaabot
LUISIANA, Laguna – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally inaugurated on Friday, March
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) turned over a Patient Transport Vehicle (PTV) to
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.