“Madali pong maluklok sa pwesto. Ang mahirap po ang magsilbi ng may dangal at dignidad. Hindi po kasi ito makakalimutan ng tao…”
Ito ang mensahe ni Vice President Sara Duterte sa harap ng libu-libong Batangueño sa pagdalo nito bilang panauhing pandangal sa 441st founding anniversary ng lalawigan ng Batangas, kahapon, Dec. 8.
Ipinunto ng Bise Presidente sa kanyang talumpati ang kahalagahan ng good governance, transparency, accountability, tapat at marangal na pagseserbisyo sa tao.
Madali aniyang maluklok sa pwesto, ngunit mahirap maglingkod ng may dangal at dignidad.
“Madali pong maluklok sa pwesto. Ang mahirap po ang magsilbi ng may dangal at dignidad. Hindi po kasi ito makakalimutan ng tao. Tatatak sa kanila kung anong uri ka na lider. Legacy. At ang pagsisilbi ng tapat, nang may dedikasyon, tapang, at kahandaan na pangunahan ang bayan na harapin ang mga hamon na hinaharap natin, ito po ang aking ipinapangako sa inyo.”
Iginiit pa ng Pangalawang Pangulo na kung susundin ang landas ng mabuting pamamahala, siguradong maisasakatuparan ang mga magagandang pangarap para sa Pilipinas.
Kasabay nito, tiniyak nito na magsisilbi siya ng tapat, may dedikasyon, tapang, at kahandaan na gabayan ang bayan sa lahat ng hamon.
“Good governance. Kung susundin natin ang landas ng good governance o maganda at epektibong pamamahala, hindi po malayong maisasakatuparan natin ang ating mga pangarap sa buhay at pangarap para sa Pilipinas,” wika ng Bise Presidente.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today announced the early return of its highly
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated a total of 2,000 ChariTimba or food buckets
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today said its revenues hit a new record
A total of 213 residents in San Mateo, Rizal received free medical and dental services
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) and the Armed Forces of the Philippines (AFP)
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) successfully distributed a total of 2,000 Charitimba or food
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.