Siyam katao ang patay sa mahigit dalawang oras na bakbakan ng tropa ng Citizen Armed Force Geographical Unit (CAFGU) at grupo ng lawless elements sa Brgy. Tapudoc, North Cotabato, kahapon, Dec. 9.
Ayon sa ulat ng Philippine News Agency, lima ang casualty sa tropa ng CAFGU at tatlo ang nasawi sa hanay ng mga armadong grupo.
Sa inisyal na ulat ni Major Jennefer Amotan, hepe ng Aleosan Police Station, nagsimula ang bakbakan ng dalawang grupo nang tambangan ng 50 armadong kalalakihan ang CAFGU na si Ramel Santillan, bandang alas-2:30 ng hapon.
Dahil malapit sa detachment ang ambush site, nirespondehan umano ito ng mga CAFGU at nakipagpalitan ng putok sa mga armadong grupo.
Tumagal ang crossfire ng mahigit dalawang oras ayon sa pulisya.
Kinilala ng Aleosan Police ang mga nasawing CAFGU na sina Jomar Roben, Jesry Galo, Melvin Cabrera, Moises Galo, at John Rey Cabrera.
Sugatan din sa bakbakan sina Ariel Wacan, Gibel Galo, Harrison Galo, at Dante Boboy.
Sa panig naman ng mga armadong grupo, patay sina Pikal Taya, Taher Odin, at Sammy Ayunan, habang malubhang sugatan ang isang alyas “Tikoy Piang”.
Nagsasagawa na ng follow-up operation ang 602nd Infantry Brigade at 90th Infantry Battalion ng Philippine Army (PA) upang tugisin ang mga armadong grupo.
Base sa inisyal na intelligence gathering ng mga awtoridad, nagku-kuta ang mga armadong grupo sa mga liblib na barangay sa bayan ng Pikit, Cotabato.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) announced today that its revenues for the first
PAGCOR LAUNCHES NEW FLAGSHIP PROJECTS WITH DEPED, DPWH The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR’s) massive relief drive for areas affected by Tropical
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.