Lumusot na sa ikatlo at huling pagbasa ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang House Bill No 454 o ang “Media Workers Welfare Act” na layong bigyan ng makatao at makatarungang benepisyo, proteksyon at insentibo ang mga Filipino journalist.
Unang ipinasa sa Kamara ang HB 454 noong noong June 30, 2022 at inaprubahan ng Kongreso sa botong 252 nitong a-21 ng Nobyembre 2022.
“Nakita ng ACT-CIS ang kakulangan sa existing laws para sa proteksyon ng ating mga media workers kaya naisip naming ang pagsulong nito bilang pagkilala at pagpapahalaga sa kanilang walang sawang sakripisyo sa ating publiko.”
Ito ang pahayag ni ACT-CIS Party-list Representative Jeffrey Soriano sa eksklusibong panayam sa BITAG Media Digital kaugnay sa pagkaka-lusot ng HB 454 sa Kamara.
Ayon kay Cong. Soriano, bukod sa proteksyon, may kaakibat ding benepisyo ang isinusulong sa HB 454 para sa mga mamamahayag na tila matagal nang dehado sa kanilang propesyon.
“Mabigyan sila ng minimum wage, overtime pay, yung mga hazard pay, kung 6 months na sila sa trabaho, dapat ma-regular sila. Safety and protective gears sa kanilang mga trabaho,” ani Cong. Soriano sa BITAG Digital News.
Nakapaloob din sa isinusulong na panukala ang pagkakaroon ng P200,000 disability and death benefits; at P100,000 medical insurance benefit para sa mga mamamahayag.
Sakali namang ipadala sa assignment ang mga mamamahayag na may banta ng kalusugan at seguridad, pagkakalooban sila ng extra hazard pay na P500 kada araw.
Nanawagan ang ACT-CIS Partylist sa Senado at sa iba pang ahensiya ng gobyerno tulad ng Department of Labor and Employment (DOLE) na tutukan at suportahan ang panukalang batas.
Naisumite na sa Senado ang HB 454 noong a-22 ng Nobyembre 2022.
Katulad ng legislative procedure ng Kamara, dadaan din ito sa tatlong pagbasa sa plenaryo ng mataas na kapulungan ng Kongreso.
Sakaling aprubahan ng Senado, ibabalik ito sa Kamara para sa “final version” bago ito isumite sa Malacañang para lagdaan ng Pangulo bilang ganap na batas.
“Nakikipag-ugnayan kami sa kampo ni Senator Raffy Tulfo at sa iba pang senador na sana matulungan tayo na maipasa at suportahan din ng iba’t-ibang government agencies gaya ng DOLE para maipasa natin at mapirmahan ng ating Presidente,” pagtatapos ni Cong. Soriano.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) announced today that its revenues for the first
PAGCOR LAUNCHES NEW FLAGSHIP PROJECTS WITH DEPED, DPWH The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR’s) massive relief drive for areas affected by Tropical
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.