Hindi lang sa loob ng bahay o establisyemento nangyayari ang pang-aabuso ng mga sex offenders. Maging sa kalsada, garapal din sila na gumagala upang makapang bastos at mang-abuso.
Naghahanap lang sila ng tiyempo upang mabigyan ng kasiyahan ang kanilang sarili.
Noon pa man, trabaho na ng BITAG ilantad sa publiko ang laman ng utak ng sex offenders.
Tulad nalang ng isang kasong isinumbong sa BITAG ng dalawang ginang.
Dinakma at hinipuan umano sila sa maselan bahagi ng kanilang katawan ng isang lalaki habang naglalakad sa kalsada.
Magkahiwalay man ang kanilang salaysay, iisang tao lang ang kanilang tinutukoy. Lalaking nakasuot ng itim na jacket at helmet, nakasakay sa itim na motorsiklo.
“Hindi naman po siya payat na payat, gwapo po siya, hindi po siya pangit. Kung sakali makikita ko siya (muli) makikilala ko siya.” salaysay ng isang biktima sa BITAG.
Positibong din niyang nakuha ang plate number ng bastos na rider na agad pina-verify sa Land Transportation Office (LTO).
Napag-alaman na ang motorsiklo ay isang company owned na minamaneho ng kanilang empleyado na isang mensahero o messenger.
Samantala, ayon sa Clinical Psychologist, Dr. Camille Garcia, ang panghihipo, maituturing daw na isang kondisyon sa pag-iisip na tinatawag na Paraphilia, nag-uugnay daw ito sa hindi pangkaraniwang pakikitungo sa kapwa partikular sa aspetong sekswal.
Mayroon apat din daw na dahilan kung bakit nagkakaroon ng ganitong disorder ang isang tao;
Subalit, ano man sa apat ang dahilan ng isang tao sa pagkakaroon ng disorder, hindi pa rin siya ligtas sa kamay ng batas.
Ayon kay Atty. Freidrick Lu, hindi man daw kahalintulad ng rape ang panghihipo, maari pa din siyang sampahan ng kaso.
“Yung panghihipo ng isang tao na walang pahintulot niya ay hindi naman nag-qualify as rape but it is a form of crime which is called acts of lasciviousness.” Ani Atty. Lu.
Balikan ang ginawang surveillance sa inirereklamo rider sa BITAG Classic:
Recent News
A senior citizen from Bicol, accompanied by her daughter, claimed her share of the ₱25,351,115
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.