Walang pinipili lugar at oras ang mga kawatan.
Kaya laging paalala ng BITAG, maging maingat, mapanuri at maging paladuda nang huwag mabiktima.
Tulad na lang ng mga dorobong “Salisi Gang”. Mainit sa mata ng mga kawatan na ito ang mga mamahalin at importanteng gamit.
Marunong din silang sumabay sa panahon at teknolohiya. Pinag-aralan at iniispatan lahat ng pwede nilang makuha sa kanilang target na biktima.
Ganito ang istorya ng isang seaman na lumapit sa BITAG matapos masalisihan ng sindikato.
Mula Marinduque, lumuwas siya ng Maynila para asikasuhin ang kanyang mga dokumento. At upang makatipid sa board and lodging, nangupahan siya sa isang bed spacer. Pero ang hindi daw niya alam, roommate pala niya, miyembro ng Salisi gang.
“Dun sa boarding house na tinitirhan ko, may nag-apply na bedspacer din, nag downpayment agad siya ng P1,000” ani ng seaman na si Felipe Agoncillo.
Habang siya ay naliligo, tinangay na daw ng suspek mga mahahalagang dokumento niya gaya ng passport, seaman’s book maging mga kontrata sa barko at ang cellphone.
Ilang araw ang lumipas, nakipag ugnayan ang mga suspek kay Felipe, pinatutubos daw sa kanya ang mga ninakaw na gamit sa halagang P10,000.
Ayon kay BITAG, pinag-aaralan ng mga sindikatong tulad ng salisi gang ang kanilang magiging estilo.
“Hustler ito, makikita mo yung pattern na ginawa sa kanya talagang nag-invest umupa sa isang boarding house para makapag hanap ng biktima” ayon kay Ben Tulfo.
Agad nakipag-ugnayan ang BITAG sa District Police Intelligence Operatives Unit (DPIOU) ng Manila Police District upang ikasa ang patibong laban sa mga suspek.
Panoorin ang Classic BITAG episode na ito:
Recent News
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) announced today that its revenues for the first
PAGCOR LAUNCHES NEW FLAGSHIP PROJECTS WITH DEPED, DPWH The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR’s) massive relief drive for areas affected by Tropical
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) said it has tweaked its “Bingo for A
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.