Taong 2018, isang kahindik-hindik na krimen ang bumalot sa Lipa, Batangas matapos paslangin ang isang kahera sa loob mismo ng pinagtatrabahuhan nitong convenience store.
Ang biktima, nakilala bilang ang 34-anyos na si Maila Marasigan na natagpuan na lamang naliligo sa sariling dugo at wala ng buhay sa sahig ng nasabing establisyemento.
Samantala, ayon sa pulisya, isang teenager na lulong daw sa computer games ang suspek sa nangyaring krimen.
Sa imbestigasyon ng Lipa City Police, madaling araw noong June 19, 2018 nang pasukin daw ng suspek na si Josiah Matthew Manalo, 19, ang convenience store na pinagtratrabahuhan ni Maila.
Mag isa lamang daw sa trabaho si Maila nung oras na yun. Habang nakatalikod, dito na raw pinagsasaksak ng suspek ang biktima gamit ang isang gunting.
Siyam na saksak ang tinamo ni Maila sa iba’t-ibang bahagi ng katawan na agad niyang ikinamatay.
Matapos ang krimen, tinangay ng suspek ang pera mula sa kaha ng convenience store na nagkakahalaga ng P5,477
Subalit ang pagtakas ng salarin, nakunan ng CCTV camera ng nasabing establisyemento.
Mabilis naman natukoy ng pulisya ang address ng suspek matapos nitong maiwan ang isang coin purse sa crime scene na naglalaman ng kanyang mga identification card o ID.
Sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad, naaresto si Josiah sa kanyang tahanan sa Barangay Manghinawan, Bauan, Batangas.
Sa pagsisiyasat ng pulisya, napag alaman nilang natigil sa pag aaral si Josiah matapos nitong malulong sa paglalaro sa mga computer games.
“Sa pag-aakala po ng kanyang magulang ay siya po’y may trabaho. Na ‘yun pala sya ay nalulong sa mga internet gaming. Kumbaga, parang na-adik na po sa ganung mga laro. ‘yun po ‘yung base sa aming pagiimbestiga,” wika ni P/CInsp. Randy Oliquino ng Lipa City Police.
Pag amin din ng suspek, may pinagdadaanan daw itong mabigat na problema kaya tila balisa at wala raw ito sa sarili nang magawa ang krimen.
Sinampahan ng kasong robbery with homicide si Josiah dahil sa ginawang pagnanakaw at pagpatay kay Maila.
Samantala, nag iwan naman ng paalala ang awtoridad sa mga magulang na palaging gabayan ang kanilang mga anak at alamin kung may mga pinagdadaanan itong problema.
“Siguro po advice po sa mga magulang na talagang tutukan nila ‘yung mga kanilang anak Baka dun po nagkulang sa suspek. Hindi sya masyadong nagabayan. Wala syang mapagsabihan ng mga problema niya kaya siguro nagawa ‘yung ganung bagay,” payo ni PC/Insp. Oliquino.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) began another massive relief drive in Northern Luzon
Pag-IBIG Fund officially launched the Pag-IBIG Acquired Assets Online Public Auction (OPA) on Friday (November
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today announced that the local gaming industry’s Gross
Pag-IBIG Fund, in coordination with the Presidential Communications Office (PCO), participated in the Philippine Information
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.