NAKAKABAHALA ang dramatikong pagtaas ng mga kasong may kinalaman sa online o digital fraud. Naobserbahan ang pagdami ng kaso simula magpandemya.
Seryosong isyu na dapat pagtuunan ng atensiyon hindi lang ng mga otoridad kundi maging mga eksperto, institusyon at mambabatas.
Aminin man natin o hindi, umaasa ang anumang negosyo – mapaprodukto man o serbisyo sa internet at iba pang uri ng electronic communication.
Kasabay ng paglakas ng online o digital world, dumarami rin ang iligal na aktibidades gamit ang mismong media o platform.
Sa BITAG nga lamang kamakailan, dinagsa kami ng reklamo laban sa isang bangko. Ang kanilang mga depositors na may online banking account, nalimas ang mga pera sa bangko.
Walang kaalam-alam ang mga biktimang naitransfer sa ibang account ang kanilang pera. Ang masaklap, hindi umano makatulong ang nasabing bangko dahil sa kawalan ng access.
Ang mga perang nawala – mula sa pensiyon, panggastos sa panganganak, sahod, ipon hanggang sa pampaospital.
Ang ending, kasalanan pa rin ng mga biktima. Dahil maaaring nadale sila ng hacking, phishing, skimming, smishing, quishing at iba pang uri ng cybercrime-related activities.
Magkahalong galit at disgusto ang nakita ng BITAG sa halos 3 dosenang nagrereklamo.
Wala nga bang pananagutan ang bangko? Sa mga kostumer nga lamang ba dapat bagsak ang sisi? Mamamayagpag na lamang ba ang mga dorobo sa pagnanakaw ng mga pera sa bank account ng mga tao?
Kasalukuyang nakikipagtulungan ang BITAG sa tanggapan ni 5th District Manila Representative Irwin Tieng sa mga kasong tulad nito.
Ayon kay Cong. Tieng na Chairman rin ng Banks and Financial Intermediaries sa kongreso, kumikita ang mga bangko sa kanilang mga kliyente.
Dahil dito, may obligasyon ang mga bangko’t financial institution na magkaroon ng safeguards ang mga online account ng kanilang mga depositors.
Kung hindi man doble, ay triplehin para pangalagaan ang pera ng kanilang mga kliyente.
Kaya’t isang batas ang inihain ni Cong, Tieng sa kongreso nitong Agosto. Ang House Bill 3172 o Anti-Scamming Account Act.
Layunin ng House Bill 3172 na protektahan ang mga gumagamit ng online banking at bigyan ng pananagutan ang mga bangko’t financial institution.
Isa sa mga probisyong nakasaad sa House Bill 3172 na kapag hindi inayos ng bangko ang mga reklamo ng mga nabiktimang depositor ay pwede silang patawan ng parusa kabilang na ang kasong kriminal.
Ibig-sabihin, kapag napatunayang mahina o kulang ang safeguards katulad ng OTP, firewall at security authentication ng mga bangko – kailangan ibalik ang nawalang pera sa depositor.
Hindi anti-business ang BITAG. Dahil kami ang nilapitan ng mga biktima, instrumento ang aming programa para makaabot ang problema sa mga kinauukulan.
Posibleng biktima rin ang mga bangko’t financial institution sa mga ganitong krimen, subali’t may magagawa ang kanilang mga tanggapan para proteksiyunan ag kanilang mga negosyo’t kostumer.
Kaakibat ng mga lisensiyang ipinagkaloob sa kanila ng pamahalaan ay “pananagutan.”
Harinawa, sa pagkakapasa ng House Bill 3172, magkakaroon ng pangil ang mga otoridad sa pagtugis ng mga nasa likod ng ganitong uri ng krimen maging ang mga nakikipagtulungang platform o indibidwal para maisakatuparan ang pambibiktima.
Hindi na puwede ‘yung walang kinalaman, walang magagawa o walang access.
Mabilis ang kilos ng mga sindikato. Kailangang makasabay din ang mga institusyon para maprotektahan ang kanilang mga kostumer.
Bagamat gumagawa ng iba’t-ibang hakbang ang mga eksperto para sa seguridad ng mga online transactions, nabubutasan pa rin ng mga dorobo.
Kaya’t kinakailangang magkaroon ng mas striktong batas na puprotekta hindi lang sa mga kostumer kundi sa mga institusyong biktima ng cyber frauds.
Recent News
A senior citizen from Bicol, accompanied by her daughter, claimed her share of the ₱25,351,115
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.