Isang pasahero mula sa Pampanga ang humingi ng tulong sa Pambansang Sumbungan #ipaBitagmo.
Inakala daw Epi Enano, 43 years old na katapusan na ng kanyang buhay nang masangkot siya sa isang away habang nakapila sa terminal ng jeep.
Si Epi Enano ay isang housekeeping clerk sa Angeles, Pampanga. Balak daw niya magtrabaho sa ibang bansa kaya labis daw ang kanyang pag-iingat na hindi masangkot sa kahit anong gulo upang mapanatili ang magandang records.
Ngunit nitong nakaraan, nabugbog siya ng kapwa niya pasahero matapos siyang pagkamalang sumisingit sa pila ng jeep.
Ang bugbugan, nakunan ng video ng isang concerned citizen. Makikita rin sa video na nanonood lang at tila walang pakialam ang mga nakapaligid na tao kahit na nasasaktan na si Epi.
Ang lalaki sa video ay nakilalang si Oscar Gederia, 60-anyos.
Sa video, nagmistulang UFC fighter ang matanda. Sinakal at nagawa pang i-headlock ni Lolo Oscar si Epi.
Ayon kay Epi agad siyang humingi ng tulong sa pinakamalapit na police station, ngunit hindi raw siya maaaring magsampa hanggat walang certificate of action mula sa barangay.
Nakausap naman ng BITAG ang Ex-O ng Barangay, agad daw silang rumesponde nang malaman ang kaguluhan, pinuntahan at hinanap daw nila ang lolo nambugbog kay Epi.
Ang buong detalye ng sumbong, panoorin:
Recent News
Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman and CEO Alejandro H. Tengco received on Tuesday,
Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman and CEO Alejandro H. Tengco today said the
ORANI, BATAAN – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) inaugurated on Wednesday, March 12,
SILANG, CAVITE -- The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) pledged Php300 million in financial
Following its two successful photo exhibits last year, the Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
MAMBURAO, Occidental Mindoro – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) inaugurated on Friday, February
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.