Walo katao ang kumpirmadong patay matapos tangayin ng rumaragasang tubig baha ang service ng mga senior citizens na kumubra ng ayuda sa Tanay, Rizal, nitong Sabado ng gabi, Dec. 10.
Ayon sa ulat ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) ng Tanay, Rizal, karamihan sa sakay ng naanod na jeep ay mga senior citizens na nag-withdraw sa Landbank ng kanilang Unconditional Cash Transfer mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Kwento ng residenteng si Michael Baylon sa Radyo Pilipinas, halos lahat ng nasawi ay mga senior citizen at isang bata.
Sinabi ni Baylon na dalawang jeep ang nirentahan ng mga biktima para sabay-sabay na makapag-withdraw ng kanilang ayuda.
Dalawang oras daw ang layo ng kanilang biyahe papuntang bayan kaya minabuti ng mga biktima na magsama-sama sa pag-withdraw para makatipid sa bayad.
Una raw nakatawid ang isang jeep sa ilog na sakop ng Barangay Sta. Ines, pero nang palusong na ang sinasakyan ng mga nasawi, biglang tumaas ang tubig at inanod ang jeep sa malalim na bahagi ng ilog.
Nakaresponde pa raw ang ilang residente ng barangay habang nakatagilid ang jeep, pero dahil sa biglang ragasa ng tubig ay agad itong nalubog sa gitna ng ilog.
Sa follow-up report ng Radyo Pilipinas, dinala sa covered court ng Brgy. Sta. Ines ang mga narekober na bangkay.
Bukod sa walong kumpirmadong nasawi, dalawang biktima pa ang pinaghahanap ng rescue team ng Tanay MDRRMO.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) and San Miguel Corporation (SMC) today broke ground
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today warned the public against letters and text
A former Overseas Filipino Worker (OFW), who has been playing the lotto for 30 years,
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) joined the Service Caravan of the Presidential Commission for
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) continues its commitment to education and community welfare by
Mandaluyong City – In a proactive step toward enhancing responsible gaming practices, the Philippine Charity
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.