Hindi manghi-himasok ang bagong talagang pinuno ng National Irrigation Administration (NIA) na si acting administrator Eduardo Guillen sa sigalot ng mga opisyal ng ahensya.
Si Guillen, dating mayor ng Piddig, Ilocos Norte ang pumalit sa suspendidong NIA administrator na si Benny Antiporda.
“May mga nauna na kaming pag-uusap ng presidente, kinakausap niya ako na tumulong sa agrikultura. Noong una sa (Department of Agriculture), pero civil engineer ako by profession, mas kumportable ako dito,” wika ni Guillen sa exclusive interview ng ABS-CBN.
Hindi aniya ang paksyon ng mga opisyal ang totoong problema ng ahensya, kundi ang pagresolba sa matagal nang paghihirap ng mga magsasaka dahil sa kawalan ng sistematikong irrigation system sa bansa.
“Hindi pula’t dilaw ang magkalaban. Sabi ko, ‘yang paksyon-paksyon na ‘yan, di magkalaban. Ang kalaban namin sa NIA, ‘yung kahirapan ng mga magsasaka,” wika ni Guillen.
Nanumpa kahapon. Dec. 12, sa Malakanyang si Guillen bilang acting administrator ng NIA, pero kailangan pa itong sumalang sa NIA board para makumpirma ang appointment nito bilang pinuno ng ahensya.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today announced the early return of its highly
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated a total of 2,000 ChariTimba or food buckets
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today said its revenues hit a new record
A total of 213 residents in San Mateo, Rizal received free medical and dental services
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) and the Armed Forces of the Philippines (AFP)
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) successfully distributed a total of 2,000 Charitimba or food
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.