Nakipag-ugnayan ang Department of Social Welfares and Development (DSWD) sa pamunuan ng Meta Platforms Inc. upang solusyonan ang pagbaha ng mga pekeng public solicitations sa social media partikular sa Facebook.
Ayon sa press release ng DSWD, kadalasang nagagamit ang kagawaran sa mga iligal at pekeng solicitation.
Giit ng DSWD, malaki ang maitutulong ng Meta Platforms Inc. na siyang may-ari ng social media platform na Facebook, para maiparating sa publiko ang kaalaman ukol sa pag-iisyu ng solicitation permit ng DSWD.
“It can be recalled that the issue on public solicitation has often been misunderstood and misinterpreted especially during times of calamities,” ayon sa pahayag ng DSWD.
Nilinaw ng kagawaran na pinapayagan sa ilalim ng Presidential Decree No. 1564 o ang Solicitation Permit Law ang pagtanggap ng public solicitations ng DSWD sa pamamagitan ng kanilang Standards Bureau.
Tanging ang Standards Bureau ng DSWD lamang umano ang may kapangyarihang mag-apruba ng solicitation permit sa sinumang indibidwal, korporasyon, grupo o organisasyon na gustong mangolekta o tumanggap ng contributions para sa public welfare purposes.
“The law was created with the sole aim of ensuring that solicited resources are received by intended recipients,” anang kagawaran.
Hinggil dito, nangako ang Facebook-Meta na magbibigay ng free trainings para paalalahanan ang mga subscriber ng Facebook hinggil sa valid at totoong public solicitations.
“With the goal to counter misinformation and fake news, the Department aims to continue its strengthened communication efforts by exploring partnerships with experts and engaging the public for feedback,” giit ng DSWD
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today announced the early return of its highly
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated a total of 2,000 ChariTimba or food buckets
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today said its revenues hit a new record
A total of 213 residents in San Mateo, Rizal received free medical and dental services
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) and the Armed Forces of the Philippines (AFP)
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) successfully distributed a total of 2,000 Charitimba or food
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.