Inatasan ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Rodolfo Azurin, Jr. ang buong pwersa ng Pambansang Kapulisan na todo-alerto sa pagsisimula ng Simbang Gabi sa Biyernes, Dec. 15.
Sinab ni Azurin na kailangang bantayan ang mga simbahan at mga pangunahing lansangan laban sa nakawan, pangho-holdap, at insidente ng riot o away ng mga kabataan na nagsasalubong tuwing Simbang Gabi.
“So ang dapat diyan ay very visible ang ating mga pulis. Medyo madilim pa yan, kaya yung mga blinkers ng mga patrol cars natin dapat ay kahit sa medyo malayo na lugar, nakikita na ng mga kababayan natin,” wika ni Azurin sa panayam ng Teleradyo.
Aniya, unang linggo pa lang ng Disyembre ikinalat na ang mga kapulisan sa lansangan para mangalaga ng kaayusan habang papalapit ang Kapaskuhan.
“85 percent ang dine-deploy natin out of the total na kapulisan ng lahat ng mga istasyon, and then ang deployment nila sa mga convergence areas, sa mga churches, sa mga malls, sa mga terminal, sa mga pier dahil kailangan ay nakikita ang presensiya ng ating mga kapulisan doon, lalong-lalo na ngayong Biyernes mag-uumpisa na ang Simbang Gabi,” giit ng opisyal.
Samantala, inihayag ni Azurin na bumaba ang insidente ng krimen ngayong 2022 kumpara noong mga nakaraang taon.
“Sa review natin kahapon, during our command conference, pababa naman nang pababa ang krimen dito sa buong Pilipinas. Nakapagtala tayo ng halos 1,000 na pagbaba ng krimen compared last year from January to December 9.”
Bumaba ang crime incident sa Luzon ng 1.24%, anim na porsiyento sa Visayas, habang 3% naman ang ibinaba ng crime incident Mindanao.
Inanunsyo rin ni Azurin na bawal nang mag-leave o magbakasyon ang mga pulis hanggang matapos ang Bagong Taon.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation today said it has ordered one of its licensees
Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman and CEO Alejandro H. Tengco received on Tuesday,
Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman and CEO Alejandro H. Tengco today said the
ORANI, BATAAN – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) inaugurated on Wednesday, March 12,
SILANG, CAVITE -- The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) pledged Php300 million in financial
Following its two successful photo exhibits last year, the Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.