Bibigyan ng hanggang anim na buwan o 180 araw ang mga network subscribers na irehistro ang kanilang mga Subscriber Identity Module Card (SIM Card), upang hindi ito i-deactivate o putulan ng linya ng National Telecommunications Commission (NTC).
Sa nakuhang kopya ng BITAG Media Digital (BND) sa NTC, mabigat ang parusa sa ilalim ng implementing rules and regulation (IRR) ng Republic Act No. 11934 o ang “Subscriber Identity Module (SIM) Registration Act”.
Maliban sa P300,000 na multa sa mga subscribers na hindi magrerehistro ng SIM Card, papatawan din ng hanggang P1 milyon ang Telephone Companies (Telcos) na hindi mag-rehistro ng kanilang mga subscribers.
Para sa pagtatala ng SIM card, kailangang magsumite ang mga subscribers ng litrato kalakip ang isang valid o government-issued na ID.
Sa mga individual registrants, kailangang magbigay ng full name, birth date, gender, official address at ID number ng isusumiteng valid ID.
Ang mga negosyo o may-ari ng business SIM card, kailangang magsumite ng business name, official business address, buong pangalan ng may-ari at kung sino ang authorized signatory ng negosyo.
Para naman sa mga dayuhan, kailangang magpakita ng kanilang passport at detalye ng official address na tutuluyan dito sa Pilipinas.
Nakasaad din sa IRR na kailangang rehistrado ang lahat ng gagamiting SIM, eSIMs (o embedded SIM), at pati mga SIM cards na ginagamit sa wireless broadband modems, machine-to-machine communications at IoT (internet of things) devices.
Kapag hindi nairehistro ang SIM card sa loob ng 180-days, agad itong ide-deactivate o puputulin ng NTC. Hindi papayagan ang outgoing at incoming services hangga’t hindi ito nairerehistro.
Bibigyan ng pagkakataon ang mga deactivated SIM cards na maibalik ang kanilang connectivity o limang araw na grace period.
Samantala, maaaring makulong ng hanggang dalawang taon at multang P300,000 ang mga subscribers na magbibigay ng pekeng impormasyon sa NTC.
Hanggang anim na taon at multang P300,000 naman ang parusa sa mga magbebenta, magnanakaw o maglilipat ng SIM card sa ibang tao.
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.