Humigit-kumulang P395 milyong halaga ng smuggled na sigarilyo ang sinira ng mga awtoridad sa isinagawang condemnation activity ng Philippine Coast Guard (PCG) at Bureau of Customs (BOC) kahapon, Dec. 13, sa Brgy. Baliwasan, Zamboanga City.
Ayon kay CG COMMO Marco Antonio P Gines ng Coast Guard District Southwestern Mindanao, ang mga winasak na kahon-kahong sigarilyo ay nasabat ng joint operations ng PCG at BOC sa buong taon.
“The PCG Southwestern Mindanao has been an active partner of the BOC in performing their mandates by conducting an intensified Maritime Law Enforcement operations to deter smuggling operations in Southwestern Mindanao,” ani Gines.
Sa loob lamang ng dalawang buwan sa pwesto ni Ines sa Southern Mindanao, aabot na umano sa P13 milyong smuggled na sigarilyo ang kanilang nasabat.
Karaniwan umanong ginagamit na entry-point ng mga smuggler ng sigarilyo ang Mindanao dahil malapit ito sa Malaysia at iba pang mga karatig bansa sa Asya.
Inatasan ni Gines ang mga tauhan ng PCG sa buong rehiyon ng Mindanao na palakasin pa ang pagmamatyag sa mga pumapasok na kontrabando sa mga pantalan at seaports.
Hindi lamang aniya problema sa kalusugan ang epekto ng mga puslit na sigarilyo mula sa ibang bansa, kundi nakaka-apekto rin ito sa negosyo at kabuhayan ng mga local tobacco farmers.
“Intensify and sustain efforts in conducting anti-smuggling operations in your respective areas to protect the Government revenue collections and tax payers interest who are most affected by this illegal activities,” wika ng opisyal.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) began another massive relief drive in Northern Luzon
Pag-IBIG Fund officially launched the Pag-IBIG Acquired Assets Online Public Auction (OPA) on Friday (November
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today announced that the local gaming industry’s Gross
Pag-IBIG Fund, in coordination with the Presidential Communications Office (PCO), participated in the Philippine Information
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.