Arestado ang ang isang big-time na tulak ng droga matapos masakote ng mga tauhan ng Southern Police District (SPD) sa isang buy-bust operation sa Las Piñas City kahapon, Dec. 13.
Ayon sa ulat ni SPD District Dir. Gen. Kirby John Brion Kraft, ang nahuling suspek na si Layson Lucas y Manuel a.k.a. “Brad”, 37, ay kasama sa listahan ng mga High Value Individuals ng Philippine National Police (PNP).
Nahuli ang suspek sa ikinasang buy-bust operation ng Station Drug Enforcement Unit ng Las Piñas City Police Station sa Bayabas St., BF International Village, CAA, Las Piñas City bandang alas-4:30 ng hapon noong Martes.
Nakuha kay Lucas ang isang vacuum sealed plastic na Chinese Daguanyin tea bag na naglalaman ng humigit-kumulang isang kilo ng hinihinalang shabu na may street value na P6.8 million.
Bukod dito, nakuha din sa suspek ang tatlong plastic na naglalaman ng suspected shabu na mayroong timbang na 3.3 gramo.
Isusumite sa SPD Forensic Unit ang mga nakumpiskang hinihinalang droga sa suspek upang isailalim sa qualitative at quantitative analysis.
Sasampahan si Alyas Brad ng kasong paglabag sa Sec. 5 at 11, Art. II ng Republic Act 9165.
Recent News
With the onset of summer and DOH/PAGASA warnings of dangerous heat indices, PhilHealth reminds the
Muling ipinapaalala na ang lahat ng mga miyembro ng PhilHealth ay maaaring maka-avail ng Outpatient
The Department of Health announced that for the year 2024, all 426 recorded rabies cases
PhilHealth is committed to holistically addressing the healthcare needs of every Filipino. “Nais naming ipaabot
LUISIANA, Laguna – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally inaugurated on Friday, March
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) turned over a Patient Transport Vehicle (PTV) to
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.