Kinumpirma ng isang consultant ng National Telecommunications Commission (NTC) na walang itinakdang limit sa pagpaparehistro ng Subscriber Identity Module Card (SIM Card), batay sa inilabas na implementing rules and regulation (IRR) ng Republic Act No. 11934 o ang “Subscriber Identity Module (SIM) Registration Act”.
Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Engr. Edgardo Cabarios na papayagan ang ‘multiple registration’ ng SIM card, pero may kaakibat ito na responsibilidad.
Babala ni Cabarios, posibleng malagay sa alanganin ang mga indibidwal na magre-rehistro ng maraming SIM card dahil maaari silang paghinalaan sa mga insidente ng panloloko o mga illegal na aktibidad.
Maaari umanong magamit sa kalokohan ang isang SIM card kung ito ay magamit ng ibang tao, grupo o indibidwal na may illegal na transaksyon.
“Walang limit na itinakda ang batas. Pwede magparehistro maski ilang SIMs ang gusto mong iparehistro. ‘Yun nga lang, dapat maging responsable ka kasi kapagka nawaglit ‘yan sa dami, hindi mo alam sino ang gumamit, at ginamit yan for illegal activities, ikaw ang primary suspect,” ani Cabarios.
Bagama’t maaaring i-report sa NTC ang mga nawawalang SIM cards, dapat maging responsable umano ang may-ari nito na tiyaking hindi ito magagamit sa panloloko at krimen.
Sa ilalim ng IRR ng RA11934, obligado ang mga telco firms na i-validate ang personal information ng mga SIM card users.
Nilinaw din ni Cabarios na hindi pwedeng irehistro ang SIM card sa mga menor-de-edad.
“Hindi pwede na ang SIM card ay ma-rehistro sa menor de edad. Kailangan iregister sa mga parents o guardians nila,” wika ng opisyal.
Samantala, inihayag ni Cabarios na magsasagawa ng SIM card registration ang NTC sa mga barangay lalo na sa mga lugar na mahina ang signal o walang access ng internet. “With the assistance po ng mga barangay captains doon sa mga lugar na iyon ay iko-coordinate po iyan para po iyong mga kababayan natin na walang access,pupunta lang sa center at doon na po magparehistro,
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.