Nito lamang July 2022, isang store merchandiser mula Imus, Cavite ang lumapit sa public service program ng #ipaBITAGmo.
Si Alyas Arman, hindi niya tunay na pangalan ay mahigit isang taon nagtrabaho bilang merchandiser sa isang Pasalubong Center sa Imus, Cavite.
Hindi na raw makayanan ng kanyang konsensya ang mga utos ng kanyang amo sa pinagtatrabahuang tindahan.
Sa utos daw ng may-ari ay pinapalitan daw nila ang mga date ng expired products upang maibenta pa. Gamit ang bulak at acetone ay binubura daw ang mga expiration date upang mapalitan ng bago.
Ang mga inaamag na brownies naman daw ay pinupunasan at iniinit lang upang magmukhang bago. Samantala, pinabulaanan ni Merlie, nagpakilalang may-ari ng inirereklamong Pasalubong Center ang mga reklamo ni Alyas Arman sa BITAG.
“Yung sinasabi nila na nagpapalit ng expiration, hindi po kailangan ganun kasi araw-araw sir ang pick-up namin sa mga company” paliwanag ng may-ari.
Ayon kay Merlie, isang estudyante daw si Alyas Arman kaya labis daw ang simpatya na binibigay niya dito. Maka-ilang beses na daw niya pinalagpas ang mga kasalanan na nagagwa nito kaya hindi niya daw inakala na maga-akusa si Arman na makakasira sa kumpanya.
“Pinagkaisahan ako kasi may mga ginagawang kalokohan tulad ng mga pagnanakaw na ginawa nila,” paliwanag ni Arman sa BITAG.
Hinamon naman ni Mr. Ben Tulfo ang dalawa na sumailalim sa polygraph o lie-detector test.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) and San Miguel Corporation (SMC) today broke ground
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today warned the public against letters and text
A former Overseas Filipino Worker (OFW), who has been playing the lotto for 30 years,
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) joined the Service Caravan of the Presidential Commission for
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) continues its commitment to education and community welfare by
Mandaluyong City – In a proactive step toward enhancing responsible gaming practices, the Philippine Charity
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.