Nakikipag-ugnayan na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga local government units (LGUs) at mga concerned government agencies para marehistro ang mga indigenous people (IP) sa local civil registrar upang makasama sila sa listahan ng mga tatanggap ng ayuda sa pamahalaan.
Sa ulat ng state radio station na Radyo Pilipinas, sinabi ni DSWD Secretary Erwin Tulfo na sisikapin nilang mai-rehistro sa civil registrar ang nasa 30,000 katutubong Aeta sa Pampanga, Bataan, at Batanes.
Inanunsyo ito ni Tulfo sa kanyang pagdalo sa isang aktibidad sa Angeles City at Mabalacat, Pampanga kahapon, Dec. 14.
Oras na maitala ang mga IPs sa civil registrar, tiniyak ng DSWD na mapapasama ang mga katutubo sa regular na ayuda at iba pang social services program ng national government.
Pinangunahan ng kalihim ang pag-iikot sa mga lalawigan para tutukan ang pangangailangan ng mga IPs.
Layunin ng DSWD na tuldukan ang nakagisnang kultura ng mga katutubo na bumaba sa mga kanayunan upang mamalimos sa lansangan lalo na tuwing Kapaskuhan.
Namigay si Secretary Tulfo ng tig-P10,000 cash assistance sa ilang pamilya ng katutubo sa Pampanga para gamitin sa negosyo at pangkabuhayan.
Kinausap din ng DSWD ang mga local executive ng Pampanga at ilang opisyal ng National Commission of Indigenous Peoples (NCIP) para maisaayos ang mga primary channels o lagusan na dadaanan ng mga produktong ibibigay sa mga katutubong Aeta.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) began another massive relief drive in Northern Luzon
Pag-IBIG Fund officially launched the Pag-IBIG Acquired Assets Online Public Auction (OPA) on Friday (November
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today announced that the local gaming industry’s Gross
Pag-IBIG Fund, in coordination with the Presidential Communications Office (PCO), participated in the Philippine Information
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.