Isang tattoo artist ang napatay sa bugbog ng isang pulis sa Maasin, Southern Leyte matapos arestuhin dahil sa bintang na pagnanakaw ng cellphone noong Disyembre 9, 2022.
Lumabas sa medico-legal ng biktimang si Gilbert Ranes na binawian ito ng buhay dahil sa cerebral hemorrhage o matinding pagdurugo ng utak.
Karaniwang nangyayari ang cerebral hemorrhage o brain bleed kapag hinampas ang ulo ng matigas na bagay o matinding nalamog ang ulo dahil sa suntok.
Lumapit sa BITAG Multimedia Network (BMN) ang kaanak ng biktimang si Gilbert upang ireklamo ang anila’y isang kaso ng “police brutality”.
Sa eksklusibong panayam ng BITAG Media Digital sa kapatid ng biktima na si Brian Ranes, nanawagan ng hustisya ang pamilya at nais panagutin sa batas ang pulis na si PSSg. Ronald Gamayon.
Ayon sa police report ng Southern Leyte Police Office, inaresto ni Gamayon si Gilbert noong Disyembre 9 dahil sa reklamo ng pagnanakaw ng cellphone.
Nabidyohan ng isang netizen ang pambubugbog at panunutok ng baril ng pulis sa suspek.
Sa isa pang video, nakunan din ang pagbitbit ng mga rumespondeng pulis sa lupaypay at wala nang malay na si Gilbert.
Kwento ng kapatid ng biktima, walang record ng anumang pagnanakaw si Gilbert at wala silang nakikitang dahilan para magnakaw ng cellphone ang kapatid.
“Hindi magagawa ng kapatid ko ang binibintang ng pulis. Kung nahuli nga siya na nagnakaw, sana hindi niya pinagsusuntok sa ulo. Inaresto na lang sana siya,” wika ng kapatid ng biktima.
Inilibing na ngayong araw, Dec. 15, ang mga labi ng biktimang si Gilbert Ranes
Samantala, kinumpirma ni PMSgt. John Ryan Quisado ng Maasin City Police Station na nasa restricted status sa loob Provincial Police Headquarters ng Southern Leyte ang inirereklamong pulis.
Iniimbestigahan na rin umano ng Internal Affairs Service (IAS) ang posibleng pagsasampa ng kasong administratibo laban dito.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) and San Miguel Corporation (SMC) today broke ground
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today warned the public against letters and text
A former Overseas Filipino Worker (OFW), who has been playing the lotto for 30 years,
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) joined the Service Caravan of the Presidential Commission for
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) continues its commitment to education and community welfare by
Mandaluyong City – In a proactive step toward enhancing responsible gaming practices, the Philippine Charity
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.