Isang crucial jump shot ang inasinta ng shooting guard ng Miami Heat na si Tyler Herro sa huling segundo ng laro para selyuhan ang kanilang panalo kanina, Dec. 15 (Manila time) kontra Oklahoma City Thunder sa iskor na 110-108.
Sumadsad sa four-straight loss ang Oklahoma City Thunders (11-17), habang umakyat naman ang kartada ng Miami Heat sa 15-14 (win-loss) record.
Bagama’t hindi nakapaglaro ang star player ng Heat na si Jimmy Butler, nagpakitang gilas ang shooting guard ng team na si Tyler Herro na kumamada ng 35-points at nagtala ng career-high sa three points arc dahil sa siyam na 3’s.
Isang jumpshot ni Herro ang tumapos sa laro sa huling apat na segundo ng crucial final quarters para umabante ang kanyang koponan ng dalawang puntos.
Nakapag-ambag ng double-double performance na 15 points, 13 rebounds at 3 assists ang isa pang main gunner ng Miami Heat na si Bam Adebayo.
Samantala, pinangunahan ni Shai Gilgeous-Alexander ang Oklahoma City Thunders sa kanyang ambag na 27 points.
Recent News
Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman and CEO Alejandro H. Tengco received on Tuesday,
Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman and CEO Alejandro H. Tengco today said the
ORANI, BATAAN – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) inaugurated on Wednesday, March 12,
SILANG, CAVITE -- The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) pledged Php300 million in financial
Following its two successful photo exhibits last year, the Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
MAMBURAO, Occidental Mindoro – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) inaugurated on Friday, February
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.