Ipinagmalaki ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na umabot sa labing-siyam na priority legislation ng Marcos Jr. administration ang kanilang pinagtibay sa unang limang buwan ng 19th Congress.
Sa kanyang talumpati bago magbakasyon ang Kamara kahapon, sinabi ni Romualdez na marami sa mga panukalang batas na prayoridad ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ay natapos na.
Katunayan, sa labing-siyam na nabanggit ng Pangulo sa kanyang unang State of the Nation Address (SONA), sampu umano rito ang naipasa na sa final reading.
Karamihan din sa nakapaloob sa Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) priority measures ay umabot na sa ikatlo at pinal na pagbasa, at dalawa ang naisabatas na tulad ng SIM Card Registration Act at ang Barangay at Sangguniang Kabataan Election postponement.
Binanggit din ng pinuno ng Kamara ang mabilis na pag-apruba ng Mababang Kapulungan sa P5.268-trilyon na 2023 national budget.
Ayon kay Romualdez, mapayapa at matiwasay na natapos ng Kamara ang mga priority measures dahil sa suporta at pagsisikap ng mga mambabatas, partikular sa isyu ng Maharlika Investment Fund (MIF) na lumusot na sa huling pagbasa bago ang Christmas break ng Kongreso.
Magbabalik ang regular na sesyon ng Kamara sa Enero 23, 2023.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) and San Miguel Corporation (SMC) today broke ground
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today warned the public against letters and text
A former Overseas Filipino Worker (OFW), who has been playing the lotto for 30 years,
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) joined the Service Caravan of the Presidential Commission for
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) continues its commitment to education and community welfare by
Mandaluyong City – In a proactive step toward enhancing responsible gaming practices, the Philippine Charity
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.