Umiiyak na nagsumbong sa #ipaBITAGmo ang isang single mother upang isumbong ang ginawang pag-post ng isang netizen sa kanyang menor-de-edad na anak.
Ayon sa inang si Arlene Arche, nakita daw ang mukha ng kanyang anak sa CCTV video na ipinost ng isang netizen.
“Ang pagkakapost po, ‘kung sino ang nakakakilala sa taong ito, ipagbigay alam kasi pinagtangkaang akyatin ang bakod ng aking magulang” sumbong ni Arlene sa BITAG.
Dagdag niya, matinding trauma daw ang naging dulot nito sa kaniyang anak dahil sa panunukso ng kaniyang mga kalaro, kapit-bahay at iba pang kakilala sa barangay matapos ipost sa FB at tawaging ‘magnanakaw’ ang bata.
Humingi raw ng tulong si Arlene sa kanilang barangay para magpa-blotter sa nangyari.
Nakiusap daw si Arlene at mismong mga Barangay Officials sa inirereklamong netizen na burahin ang post sa Facebook. Subalit nagmatigas ito at hindi pumayag na tanggalin ang kaniyang post.
“Sir Ben, malikot at makulit po talaga ang anak ko pero hindi siya magnanakaw!,” umiiyak na sumbong pa sa BITAG ni Arlene.
Sapat na bang dahilan para akusahan ang isang menor de edad na magnanakaw kung hindi naman ito naaktuhan?
May pananagutan ba ang netizen na nag-post ng mukha ng bata sa social media?
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) and San Miguel Corporation (SMC) today broke ground
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today warned the public against letters and text
A former Overseas Filipino Worker (OFW), who has been playing the lotto for 30 years,
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) joined the Service Caravan of the Presidential Commission for
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) continues its commitment to education and community welfare by
Mandaluyong City – In a proactive step toward enhancing responsible gaming practices, the Philippine Charity
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.