Pormal na ibinigay ngayong araw ng BITAG Multimedia Network ang P50,000 sa mga operatiba ng Philippine National Police Anti-Cyber Crime Group (PNP-ACG).
Ito’y matapos ang matagumpay na operasyon ng PNP-ACG laban sa inirereklamong online lending app na SUNCASH.
Matatandaang naglatag ng pabuya si Ben Tulfo, ang public service program host na Pambansang Sumbungan #ipaBITAGmo ng P50,000 sa makakapagbigay ng impormasyon sa pagkakakilanlan ng mga bastos na kolektor ng SUNCASH.
Ang paglatag ni Tulfo ng reward ay nagmula sa sumbong ng isang empleyado ng Davao City Hall na nagsumbong sa BITAG hinggil sa pagbabanta, pananakot, pambabastos at pamamahiya sa kaniya ng isang kolektor ng SUNCASH.
Nakaraang linggo, sa bisa ng search warrant na inilabas ng Makati City Regional Trial Court ay naisagawa ang pagpasok sa head office ng Suncash Lending Corporation sa Sampaloc Manila.
Eksklusibong nakasama ang BITAG Investigative Team sa pagserve ng search warrant.
Samantala, 83 empleyado kasama na ang isang Chinese national ang inaresto ng PNP-ACG.
Mismong ang hepe ng Eastern Police District-ACG na si PMAJ Ely Compuesto II ang tumanggap sa reward money sa isang simpleng seremonya sa BITAG Headquarters sa Timog Ave., Quezon City ngayong araw, December 16, 2022.
Pinuri ng BITAG Multimedia Network ang “job well done” na trabaho ng EPD-ACG para mabuwag ang operasyon ng isa sa mga notoryus na online lending application (OLA).
“Marami pa rin kaming reklamong natatanggap sa mga nabiktima ng pamamahiya, pambabastos, pananakot at pagbabanta ng mga kolektor ng iba’t-ibang OLA.
“Marami nang napasara, kaya lang nagpapalit lang ng pangalan, balik sa dating operasyon. Talagang matitigas ang ulo, tuloy ang negosyo. Kaya’t mainam na aktibo ang ating PNP-ACG laban sa mga OLA na to,” pahayag ni Ben Tulfo.
Recent News
A senior citizen from Bicol, accompanied by her daughter, claimed her share of the ₱25,351,115
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.