Kumamada ng season-high 39 points ang Fil-Am shooting guard ng Utah Jazz na si Jordan Clarkson upang isalba ang panalo kontra sa koponan ng New Orleans Pelicans sa isang overtime game ngayong araw, Dec. 16 (Friday Manila time).
Itinakbo ng Jazz ang panalo kontra Pelicans sa iskor na 132-129.
Mainit ang simula si Clarkson kung saan umiskor agad ito ng 17 points sa first quarter ng laro.
Samantala, isang tres naman ang pinakawalan ni Trey Murphy III ng Pelicans, dalawang segundo bago matapos ang fourth quarter upang itabla ang laban at nauwi sa overtime.
Dalawang basket ang ipinasok ni Clarkson sa extra period ng match para ilayo ang kanilang lamang at sinelyuhan ang panalo.
Nakapag-ambag si Lauri Markkhanen sa Jazz 31 points; 17 ang puntos ni Malik Beasley; at 14 points ang ambag ni Kelly Olynyk.
Pinangunahan naman ni Zion Williamson ang Pelicans na may 31 points, 8 rebounds at 8 assists.
Umarangkada sa 17-14 (win loss) record ang Jazz, habang bumaba naman sa ikalawang standing ang Pelicans sa Western Conference dahil sa sunod na pagkatalo.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) announced today that its revenues for the first
PAGCOR LAUNCHES NEW FLAGSHIP PROJECTS WITH DEPED, DPWH The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR’s) massive relief drive for areas affected by Tropical
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.