Sa botong 279 kontra sa anim na tumutol, lumusot na kahapon, Dec. 15 sa ikatlo at pinal na pagbasa ng Kamara ang Maharlika Investment Fund (MIF) pagkatapos itong sertipikahang urgent bill ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.
Tanging sina Reps. Edcel Lagman ng Albay, 1st District; Gabriel Bordado ng Camarines Sur; Arlene Brosas ng Gabriela party-list; France Castro ng ACT Teachers party-list; Mujiv Hataman ng Basilan; at Raoul Manuel ng Kabataan party-list ang tumutol sa House Bill 6608.
Tinuhog ng Kamara sa isang araw na deliberasyon ang second reading at final reading ang deliberasyon sa HB 6608 sa pamamagitan ng “viva voce” o voice vote.
Matatandaang inihayag ng Pangulo na gawing urgent ang panukala bago ito tumulak sa Brussels para dumalo sa ASEAN-EU Commemorative Summit.
Iginiit ng Pangulo na malaking tulong ang Maharlika sovereign wealth fund para maisakatuparan ang mga proyekto ng administrasyon at mapabilis ang fiscal recovery ng bansa.
Sa ilalim ng panukalang batas, huhugutin ang gagamiting pondo sa MIF mula sa investible resources ng Landbank of the Philippines (P50 billion), Development Bank of the Philippines (P25 billion), at mula sa dividends o profits ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Malinaw sa bagong bersyon ng HB 6608 na hindi na gagalawin ang investible fund ng Government Services Insurance System (GSIS) at Social Security System (SSS) matapos itong putaktihin ng minorya ng Kamara.
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.