Patay ang isang 32-anyos na lalaki sa Davao City matapos manlaban sa mga pulis na tumugis sa kanya dahil sa pagnanakaw ng dalawang pirasong biik.
Naisugod pa sa ospital ang suspek na si Vicente Gabin, pero binawian din ito ng buhay dahil sa tama ng bala sa dibdib.
Ayon sa ulat ng Baguio District Police Station, bago ang engkwentro, nakatanggap sila ng report hinggil sa panloloob sa isang bahay na ninakawan ng dalawang biik.
Ninakaw umano ng napatay na suspek ang dalawang biik at isinilid sa sako.
Mabilis itong tumakas sakay ng motorsiklo patungo sa direksyon ng Barangay Tawan-tawan, Baguio District.
Saktong naabutan umano ito ng mga rumespondeng operatiba sa Purok Pinya, Barangay Wines dahil na-flat ang gulong ng kanyang sasakyan.
Nang akmang lalapitan na ito ng mga pulis, agad umanong bumunot ng baril ang suspek at pinaputukan ang operatiba.
Nagkaroon ng palitan ng putok hanggang sa mapuruhan ang suspek sa dibdib.
Isinugod pa sa Isaan T. Robillo Memorial Hospital sa Davao City si Gabin, pero agad din itong binawian ng buhay.
Narekober sa kanya ang isang .38 caliber na rebolber, isang motorsiklo, dalawang biik na nakasilid sa sako, at isang sling bag na naglalaman ng ‘diumano’y limang pakete ng hinihinalang marijuana.
Recent News
With the onset of summer and DOH/PAGASA warnings of dangerous heat indices, PhilHealth reminds the
Muling ipinapaalala na ang lahat ng mga miyembro ng PhilHealth ay maaaring maka-avail ng Outpatient
The Department of Health announced that for the year 2024, all 426 recorded rabies cases
PhilHealth is committed to holistically addressing the healthcare needs of every Filipino. “Nais naming ipaabot
LUISIANA, Laguna – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally inaugurated on Friday, March
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) turned over a Patient Transport Vehicle (PTV) to
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.