Nilampaso ng Philippine Women Football Team sa iskor na 9-0 ang koponan ng Papua New Guinea sa katatapos na friendly rematch kahapon, Dec. 15 sa Western Wanderers Park, Sydney Australia.
Pinangunahan ng midfielder na si Quinly Quezada ang Pilipinas na nakapagtala ng hat trick habang pumuntos naman ng dalawang goal si Katrina Guillou sa ika-24 at 27 minuto ng laro.
Nag ambag din ng tig-isang puntos sina Jessika Cowart, Tahnai Annis at Sara Eggesvik upang selyuhan ang panalo.
Unang nilampaso ng Filipinas Football Team ang Papua New Guinea noong nakaraang linggo sa iskor na 5-1.
Sinelyuhan ng Filipinas ng matagumpay na kampanya ngayong 2022 matapos makapasok sa FIFA Women’s World Cup na gaganapin sa July 2023.
Bukod dito, nauwi rin ng bansa ngayong taon ang kampeonato sa Womens’ Asean Football Federation (AFF) at bronze sa South East Asian Games sa Vietnam.
Nasa 53 spot ang PH women’s football team sa World Standings ng FIFA.
Recent News
Pag-IBIG Fund, in coordination with the Presidential Communications Office (PCO), participated in the Philippine Information
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) announced today that its revenues for the first
PAGCOR LAUNCHES NEW FLAGSHIP PROJECTS WITH DEPED, DPWH The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.